Chapter 12: She Gave Me a Visit

127 7 2
                                    

Chapter 12: She Gave A Visit

 

<Sierra’s POV>

 

“Sierra, please forget whatever feelings you have for that jerk at hayaan mo akong punasan ang lahat ng luhang pinalabas niya mula sa iyo. Hayaan mo akong maging panyo mo kahit marumihan man ako o kahit itapon mo akong kung saan-saan. Use me the way you want to use me.” May kung anong magic si Cloud, I felt like I was warped to his embrace. And the next thing I know, I found myself hugging him tightly, not wanting to let go, feeling like if I’d ever let go then I’d lose my life.  I released all the tears and sorrow I’ve been feeling inside.  And surprisingly, napaka-familiar ng feeling na ito, parang this is an essential part of my life.

Naptingin ako sa katabi ko ngayon, gulong-gulo pa rin kung gaano siya kaseryoso sa mga pinagsasabi niya sa akin sa rooftop; isang linggo na ang nakakaraan. Oo, tama ang basa niyo, isang linggo na mula sa drama namin sa rooftop at isang linggo na ding hindi niya ako pinapansin. Pumapasok siya sa classroom, umuupo sa katabing silya, pero hindi niya talaga ako pinapansin. Ano ako dito multong hindi nag-eexist?

Naramdaman kong tumingin siya sa akinor maybe, guni-guni ko lang iyon. Umaandar na naman ang pagiging feelingera ko. Then I heard myself sigh. Out of frustration? Or disappointment?  Hindi ah, out of boredom lang iyon no.  Asa naman siyang mafo-frustrate at madi-disappoint ako dahil lang sa kanya. It’s just that ba’t pa niya iyon sinabi sa akin kung hindi din niya naman pala ako papansinin, diba?  Para din pala noong una niyang tinanong sa akin kung gusto niya ba ako at the next day bigla na lang hindi na ulit siya kumikibo sa akin. Ano kaya talaga ang meron sa lalaking ito? Grabe ang moodswings nito, umiikot ng 36o degrees. Siya kaya yung nagsabi sa akin? O baka kambal niya lang iyon.

Tumingin ulit ako sa kanya, this time I’m already pouting at nagkasalubong na din ang mga kilay ko sa gitna. Still no effect.

“Shi!” Dianne snapped me out of my deep thoughts. Tiningnan ko lang siya, hinayaan ko ang mga mata ko ang magtanong para sa akin.

“Shi, kanina ka pa kaya tinatawag ni sir.” Si Arianne na ang nagsabi. Doon ko lang napansin na lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na pala sa akin, except for Cloud of course.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa lalaking nakatayo sa harap. He was sternly looking at me, his arms crossed. Shocks! Ang gwapong si sir crush ginawa ko na palang dragon. I smiled widely at him and then…

Riiiiiinnngggg….

 

Phew! Saved by the bell. “Sige class, puwede na kayong umalis.” Sabi ni sir Tan at isa-isa nang lumabas ang mga kaklase ko for lunch. At isa sa mga iyon ay ang bakulaw. Umalis siya na hindi man lumingon sa akin.  What do I care anyway?

Aalis na nga din sana ako, pero, “Except for you, Ms. Taviel.” Nakakatakot ang boses niya, para bang kakainin niya ako ng buhay. I took a deep breath, ta’s tumingin ako kina Dianne at Arianne at binigyan nila ako ng ‘Una na kami sunod ka na lang’ look. Ang bait naman ng mga kaibigan ko, akala ko ba walang iwanan ta’s iiwan pala nila ako dito sa scary monster na ito. Tumango na lang ako sa kanila, wala din naman akong magagawa eh, baka ako pa kainin ng mga bulate nila sa tiyan. And ayon na nga umalis sila.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon