Chapter 4 : Who is he to you?

194 13 15
                                    

Chapter 4 : Who is he to you?

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Yun ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ko siya sa labas ng gate namin. 

"Sinusundo ka." sabi niya sabay bukas ng pinto sa passenger's seat.

"Hinihintay ko si Sir Tan, susunduin niya ako dito." Yup! You heard me right, si sir crush na ang sumusundo sa akin every morning. It's been a week now. After noong atake ko kasi, pinagbawalan na akong magbike at lagi pa rin akong naiiwanan ng kapatid at driver namin, so the only compromise was sir Tan. At sumang-ayon naman siya.

"Tinext ko na si sir... so pasok na para hindi tayo malate." Tiningnan ko muna siya; he seems serious kaya ayun pumasok na ako sa kotse niya.

"Arthur, ba't mo ba ako sinundo?" I asked. His eyes still focused on the road, but I knew he heard me.

"Mas gusto mo bang si sir Tan ang sumundo sa'yo?" He tried to make it not sound serious as much as possible, pero alam ko'ng he was serious. At alam ko kung saan ito papunta.

"If it's about the rumors..." I started, but was immediately hushed.

"Alam kong they're not true, but Shi rumors are spreading like wildfire. If only you could read all the nasty stuff they've been posting about you and sir." Oh I know all about those things he's talking about. Hindi ko man tiningnan online, naririnig ko naman bulong-bulungan ng mga tao sa paligid ko.

"Sir Tan is family alam mo naman yun diba?" I don't really care about rumors; I'm just scared how it affects my relationship with Art, how he'd see me after heaving and reading those bashings.

"Shi, not everyone knows that... Ang alam lang nila sinusundo ka ni si sir sa bahay mo at binibigyan nila yun ng kulay..." sabi niya nang makapasok na kami sa gate ng school. "From now on ako na susundo sa'yo sa bahay niyo everytime iiwan ka nina Toni, okay?" Kinilig naman ako dun sa narinig ko. This is Art for goodness sake.

Nagpark siya sa under a tree, ang usual parking space niya.

Nang makababa na kami sa sasakyan, siyempre nakatingin na naman sa akin lahat ng studyante. Hinahanap siguro si sir crush. Uggh, can't they just mind their own business?

Amidst all the stares, may naramdaman akong kakaiba. It felt so familiar, something in me recognized it. I just couldn't place what it is. And images of my usual dreams flashed in my thoughts.

"Please hold on a little longer... Huwag muna ngayon..." May isang lalaking nakahawak sa kamay ko, crying, begging me not to go.

Sumisikip na naman ang puso ko, making me breathless...

And then,

"Shi, tara na..." Biglang hinawakan ni Art and right elbow ko, snapping me out of my disturbed thoughts. Sh*t! Was it really just a dream? Why did it feel so real?

Tumingin ako sa likod ko, pero wala namang tao. I shoved the feeling instantly. Baka dahil dito, bigla akong atakihin,,, Hmmm, puwede ba 'yun?

<Cloud's POV>

Ewan ko ba pero hindi ko talaga siya matanggal sa isip ko. Akala ko nga over time matitigil na ako sa kakaisip sa kanya, pero mali pala ako. Over time, mas lalo ko pa siyang naiisip. Hindi ko na nga siya kinakausap, kahit seatmate ko pa, baka ano pang masabi ko. Sa ngayon kontento na ako sa patingin-tingin sa kanya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon