Chapter 17 : There's No Point Denying

44 3 0
                                    

Chapter 17: There’s No Point Denying

I just couldn’t take my eyes of off him as our faces slowly went nearer each other, my hands were wrapped around his neck and his arms were wrapped around my waist.

“Cut!” I sighed nang marinig ko ang sigaw ni Ms. Sanchez. Agad kong kinuha ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya at lumayo ng onti, para makahinga na ako at makapag-isip ng matino. Don’t get me wrong, hindi mabaho ang hininga ni Cloud, in fact ang bango ng hininga niya.  Kanina ko palang  talaga kasi pinipigilan ang puso kong lumuwa mula sa akin. At kanina ko pa din pinipigilan ang isipan kong mag-isip ng mga bagay-bagay na hindi ko dapat isipin.

Shocks! Ba’t pa kasi ang hot ng bakulaw na ito, eh?  Nagparty party tuloy hormones ko sa loob, desperately wanting to break free and do who knows what. 

“Sierra, okay ka lang ba? Sobrang namumula ka, o…” Hindi ko namalayan nakatingin na pala silang lahat sa akin. Oops! Napasobrahan yata ang hormones ko. Nginitian ko na lang silang lahat at tumango kay Ms. Sanchez. Nang napatingin ako kay Cloud na nasa gilid ko, he was smirking at me. Ugh! Inirapan ko ang bakulaw. Sh*t!Ang gwapo niya talaga.

Okay, may sekreto ako… Pero atin atin lang ito ha, huwag niyong ipagkalat sa marami, I developed a little crush on Cloud over time. I mean, little crush lang ha. Hindi ko siya aagawin kay Arianne, mas mahal ko iyon kesa kay Cloud no. And yes, sa bawat scenes namin, nagloloko talaga ang hormones ko at gumagana ang wild imaginations ko. 

Sigh!

“So, see you tomorrow for our show…” That was the last thing Ms. Sanchez said and the only thing na napakinggan ko talaga bago kami dinismiss.

“Jajah, bilis na! Tara!” Mabilis ko nang hinila si Jajah palabas ng auditorium. Hindi ko na talaga kasi kaya pang magtagal ng isang Segundo pa kasama si Cloud. Masyadong gumagana imagination ko, promise. Baka mabaliw na talaga ako nang dahil dito.

Sa pagmamadali ko, hindi ko na napansing kinakaladkad ko na pala si Jajah. Kung hindi niya nga ako sinita, baka hindi ko na rin talaga mapapansin ang ginawa ko.

“Grabe ka, Sierra ha…” Huminto na muna ako sa pagkaladkad kay Jajah nang makarating kami sa corridor malapit sa canteen. Medyo malayo na kami sa auditorium kaya okay lang. Sa wakas puwede na rin akong huminga. 

“Sorry Ja, nagmamadali lang talaga ako…” I flashed my ever so cute wide smile at him, siyempre kasama ang my ever so adorable puppy dog eyes.

“You really give me the creeps sa tuwing ginagawa mo ‘yan… Tumigil ka nga!” sabay irap sa akin.

“You just can’t resist my charms.” Sabi ko at agad nang ipinulupot ang kamy ko sa kaliwang braso niya. And much to my enjoyment, nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Jajah. Para siyang kumain ng super duper asim na manggang hilaw. And I can’t help but laugh.

“Charms mo mukha mo, kapal mo girl! To the nth level…” Pang-ookray ni Jajah. I just laughed at nagsimula na kaming maglakad, nakapulupot pa rin ang kamay ko sa kanya at this time hindi ko na siya kinaladkad. Baka totohanin niya pagmamaldita niya sa akin, eh. Patay tayo diyan ‘pag nagkataon.

Nakakailang hakbang pa lang kami nang biglang may tumawag sa akin.

“Sierra…” Kilala ko ang boses na ito. It sounded weird and at the same time just perfectly right coming from him. At hindi ko mawari kung bakit, pero with just the sound of his voice my whole body explodes in sweet tingling sensations. At talagang agad akong napabitiw sa pagpulupot ko kay Jajah.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon