Chapter 14: I Can't Remember Him

82 4 4
                                    

Chapter 14

<Sierra's POV>

"Please don't leave me..." Hndi matigil ang mga mata ko sa pagluha habang naktingin ako sa kanyang nakahandusay ngayon. Kinuha ko ang ulo niya at inilagay ito sa aking binti. Umiiyak pa rin, dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Isang dangkal na lang siguro ang lapit namin.

Hinihinga ko na ang bawat hingang binubuga niya. I could smell his fresh minty breath at dala nito ang isang sensasyon na hindi ko maintindihan. Sumasabog ako sa kaba at kilig na para bang nawawalan na ako ng lakas. Sa paglapit ng mukha ko sa mukha niya mas lalo pang naging intense ang pagtibok ng puso ko.

Konting push na lang talaga at alam kong hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili kong halikan ang labi niya. And to make the whole situation worse, binuka pa talaga niya ang mga mata niya. His blue eyes were smirking together with his lips, tempting me all the more.

And then...

"Cut!" Sigaw ni Ms. Sanchez. Phew! That was a close call. Nakahinga ako ng maluwag nang inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Ewan ko nga ba kung bakit nagwala ng ganoon ang hormones ko? Tsk! At sa bakulaw na ito pa talaga?

"You wanted to kiss me..." He teased me sabay tayo.  Shocks! Ganoon ba ako kahalata kanina? I gulped. Wait! Ako? Gusto siyang halika? Asa siya! 

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim to regain my composure. Pero, walang nagawa iyon dahil nakikita ko pa rin sa pagpikit kong iyon ang mga mapupula niyang labi. Sh*t! Kaya ibinuka ko na lang ulit, sakto namang nakita ko siyang nakatingin sa akin, smirking all the more. 

This guy is nuts! Inirapan ko na lang siya at tumayo na. 

"That was really good, pero let's save that for the real show, okay?" Buti na lang talaga nagsalita si Ms. Sanchez kaya kahit papaano nag-ease ang mga hormones ko. " Practice muna tayo sa scene ni Gaston doon sa saloon..."

Bumaba na kami ng stage at sa paggawa namin noon, nagkrus ang landas namin ni Art. Sheeezzzz... Talaga namang magkukrus ang landas naming dalawa, dahil nasa iisang paaralan lang kami, nasa iisang klase pa at nasa iisang club. Hindi pa ako nasanay no?

Nagkasalubong ang mga mata namin at nagawa ko siyang ngitian. I really miss this guy!

Then, I felt someone pulling me. Tiningnan ko ang kamay ko then tumingin ako sa harap. Si Cloud.

"Ang tanga mo na nga, pinagmumukha mo pa talaga ang sarili mong tanaga." sabi niya, hinihila pa rin niya ako hanggang sa makalabas na kami ng auditorium. Nasa hallway na kami't wala na gaaanong estudyante ang nandoon dahil dissmisal na at malamang umuwi na sila. He let go of my hand and looked at me.

They were serious. Nilulunod talaga ako ng mga mata niya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon