Chapter 3: Breathless

241 16 20
                                    

Chapter 3 : Breathless

 

“Ugh! Buwiset ka talagang babae ka!” -_- Sana nalang pala itinulak ko na lang ang kumag na ‘to. Of all the people na puwedeng iligtas, siya pa talaga. Kamalas ko nga naman! “Nang dahil sa pangenge-alam mo, all my efforts were put to waste!”

Ano pinagsasabi nito? Eh, ako na nga ‘tong nagligtas sa kanya, ako pa ‘tong mali. Buti nga, tinulungan ko pa ‘to.

 

“Hoy! Kung hindi pa ako naki-alam, aba’t paano naman ang effort ng mama mo na dalhin ka sa tiyan niya ng nine months, mag-suffer ng who knows how many hours sa labor room, and kumayod ng sobra-sobra para lang mapalaki ka at mabuhay sa mundong ito? Paano na lang ang future mo? Paano na lang ang mga sacrifices ng parents mo para sa iyo kung magus-suicide ka lang probably just because of some pathetic reasons… Maraming taong gustong mabuhay ng matagal, pero hindi puwede, pero ikaw? You’re given longer years to live and you’re just going to end it?” Alam ko naglitanya na ako, pero I can’t help it. Nagiging ganito talaga ako when it comes to matters about life and death. 

You were living your life to the fullest, dreaming the biggest possible dreams in your life, alam na alam mong maabot mo talaga ‘yun and then you wake up one day na sasabihan ka na lang na you are dying. Tingnan natin kung hindi ka magkakaganito, diba? At tsaka nadala na din ako sa init ng ulo ko sa kanya kanina pa no. Kung hindi lang talaga siguro ako mabait, pinabayaan ko na siya no. Dapat magpasalamat talaga siya sa akin. 

 

“Huh? Suicide? Ano pinagsasabi mo?” Imu-murder ko na talaga ‘to. “Well, missy, FYI… you just ruined my future…” Tumuro siya sa may railings, his blue eyes fiercely focused on me. He was obviously as in obviously furious. Kung ako gusto ko siyang i-murder, I bet, he’s already murdering me in his thoughts again and again. Kaya ayon, dahil ayaw ko naman ding totohanin niya ang pagmurder niya sa akin, lumingon ako kung saan siya nakaturo.

At sakto namang sa paglingon ko, may nakita akong papel na linipad ng hangin. Tsk. Tsk. Tsk. Students nga naman, ang hilig maglitter, hindi na ata alam kung ano ang gamit ng trashcans. Ano kaya ang tinuturo nito? Ang sky?

Tiningnan ko siya ulit. Nakatingin pa rin siya sa akin, kaya ayun nag-eye to eye kami.  “Hoy! Kung magthank you ka na lang sa akin dahil niligtas kita mula sa plano mong magsuicide? “

 

“At bakit naman ako magta-thank you sa pakialamerang sumira ng future ko?” Baliw na talaga ‘to.  Ako pa nanira ng future, eh siya kaya may balak sumira ng future niya. “And besides, wala ho akong planong magsuicide… Kukunin ko sana ‘yung application form ko for my scholarship na tinangay ng hangin at sumabit sa puno, pero dahil nga sa pangingi-alam mo ayun, hindi ko na siya nakuha at nawala na siya… Hirap pa naman kumuha noon… Buwiset!”

 Oops!

Hindi pala litter ang nakita ko. Feeling ko may kasalanan ako sa kanya, well, feeling ko lang naman. Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa sahig. Then naramdaman kong hindi na siya nakatingin sa akin at naglakad paalis.

Tiningnan ko  ang muscled niyang likod habang naglakad siya papunta ng  pintuan. I wonder how it feels kung yayakapin ko siya from the back? Aish… what am I even thinking? Pinagpapantasyahan ko na naman siya… pero kasalanan ko bang ang ganda talaga ng katawan niya?

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon