2

679 14 0
                                    

"Hi Mom, Dad."


Bati ko kila Mommy nang makita ko sila sa tapat ng condo ko. Buti na lang ay linggo ngayon kaya wala akong trabaho. Hindi ko din alam kung bakit sila nandito.


"Hindi mo man lang ba ako babatiin?"


Tiningnan ko si ate ng walang emosyon at pekeng ngumiti. "Oh! Hi Ate!" I almost rolled my eyes.


She smirked but didn't talk. I looked at my parents that were already sitting at the sofa, looking around.


"Ano pong ginagawa niyo dito?" Ngumiti ako at binaba ang bag ko.


Hindi naman kasi sila madalas pumunta dito, lalo na si ate. Hindi naman big deal sa 'kin 'yon dahil sanay naman na ako ng hindi sila kasama.


"We just want to visit you, Sabrina Lynne." Mom talked. "Matagal na simula nung umuwi ka sa bahay." She raised a brow.


I smiled sadly. Because everytime I go home, it felt like I'm not wanted there anymore.


"Busy po ako sa trabaho." Sagot ko na lang.


Ayoko lang talaga umuwi, dahil kapag nandoon ako puro panghuhusga ang sinasabi nila. Nakakasawa.


"Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa company natin, Anak? Para din lagi kayo magkasama ng ate mo." Dad suggested.


Yes, I've always wanted to work there in our company, why not 'di ba? Ang problema lang ay ang kapatid ko na walang gawin kung hindi kwestyunin ang mga kaya kong gawin. Feeling niya siya na lang ang magaling, hindi naman. Pero kahit ganoon hindi pa rin ako sumasagot sakanya dahil may respeto pa naman ako sakanya kahit papaano.


"I would love to, pero may trabaho na po ako. And that's enough." I smiled again.


Ate laughed, sarcastically. "Baka naman kasi hindi niya kaya dad. Besides, she doesn't know anything about business." She stared at me, smirking.


Tanga. Kahit naman alam ko kung paano, hindi ko pa rin aagawin ang pwesto mo. Nakakahiya naman kasi baka mahawahan ng kabaitan ko ang swivel chair mo na galing New York, Cubao.


"Ate's right, dad. Wala akong alam sa business." I stared back.


Ha! Pwede kaya ako magpaturo kay Axton anytime. Libre pa!


Ate Shaira is beautiful. Nasa kanya na sana ang lahat kung hindi lang masama ang ugali niya.


"Is your condo too small? Hindi ka ba nasisikipan dito?" Sabi ni Mommy.


My condo is just the perfect size for me. Hindi gaanong kalaki dahil mag-isa lang naman ako at para mura na din ang bayad.


No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon