27

533 13 0
                                    

Tiningnan ko si Ate Shaira na nakatulog na sa balikat ko kakaiyak. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahan siyang hiniga sa kama ko. Masakit pa rin ang mata ko kakaiyak. 


Pinagmasdan ko si Ate habang natutulog siya. Sobrang peaceful niya tingnan, malayo sa itsura niya kanina. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon, mahina at walang tigil ang pag-iyak. Hindi ko alam na may ganoon pala siyang pinagdadaanan.  Sa bawat pagtataray at pananakit niya sa akin ay hindi ko alam na sa likod non ay may masakit siyang nakaraan.


Sabagay, kung ako rin naman ay ayaw ko na ipakita sa iba na malungkot ako. Na may pinagdadaanan ako. Unless, hindi ko na kayang itago. 


Huminga ako ng malalim. Naawa ako kay Ate. If only I can take her pain away, I'll take it. Kahit naman hindi naging maganda ang trato niya sa akin ay ganoon na din ang susukli ko sa kaniya. Lalo na ngayon na kailangan niya ng karamay, ng kasama. 


Lumabas ako ng balcony at agad kong naramdaman ang lamig ng hangin sa balat ko. Naisip ko si Zeke. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan kami, kahit alam kong hindi totoo 'iyon. Naaawa din ako sa kaniya dahil alam kong masakit para sa kaniya iyon. Syempre anak nila 'yon. Kaya pala nung sinabi ko na bagay sa kaniya na maging daddy ay medyo natulala siya. 


Kahit hindi ko naranasan iyon ay alam kong sobrang sakit. Isang bata ang nawala sa kanila, ang bunga ng pagmamahalan nila. Hindi mo maimagine ang sarili ko na dumating sa point na 'yon. Hindi ko kaya.


Ate is so strong.


Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok doon. Doon ko lang naalala ang nangyari kanina. Anak ako sa labas, sinong maga-akala non?


Sumilip doon si Mommy. Pumasok siya sa loob at nilapitan muna si Ate bago ako nilapitan. 


"Mommy.." I said. Kitang-kita ko ang pamamaga ng mata niya. 


"Sabrina.." She caressed my face. "Talk to your Mom. Your real Mom, please." She begged.


Lumunok ako nang makaramdam nanaman nang pagbabara doon. "Mommy.."


"I'm sorry, Sabrina. Alam kong madami akong naging pagkukulang sa'yo." She looked away. "When I found out na nagkikita ulit ang totoo mong nanay at ang Daddy mo ay nagalit ako. Napatawad ko na ang daddy mo noon, nung nalaman ko na nabuntis niya si Jocie, ang mommy mo." 


"Jocie po ang pangalan ng totoo kong nanay?" I asked, getting emotional.


"Yes, anak. Nagalit ako sa Daddy mo nang malaman ko na nagkikita sila ulit. Kaya sa'yo ko naparamdam ang galit ko. Nalaman ng Ate mo 'yon at dahil doon ay nagalit siya sa'yo. Patawarin mo kami, Anak." A tear shred down her face. 


I wiped her tears away and smiled. "Hindi po ako galit Mommy. Okay lang po sa akin, naiintindihan ko po kayo." 


She smiled and hugged me. 


Pagkatapos namin mag-usap ay sinabi niya na naghihintay sa baba ang totoo kong nanay dahil gusto daw niya ako kausapin. Pumayag naman ako dahil gusto ko din siyang makausap. Ang dami dami kong tanong sa isip ko na siya lang ang makakasagot.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon