16

422 9 1
                                    

:0

--

"So you're dating him?"


Napatigil ako sa pag-scroll sa IG ko nang magtanong si Axton sa akin. Pauwi na kasi kami sa condo at siya ang naghatid sa akin dahil nga hindi ko dala ang kotse ko. 


Hindi ako makasagot dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. Kanina nung tinanong ako ni Zeke ay hindi ko din siya sinagot, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado akong nagulat kaya napatakbo ako papalabas ng restroom.


"Uhm.." I pursed my lips. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi totoo 'yung sinabi namin ni Zeke dahil baka mag-away kami ulit. Alam ng pamilya ni Axton na may 'something' kami ni Zeke at nakakahiya naman kung sasabihin namin na hindi totoo 'yon.


"Hmm?" 


Napatingin ako kay Axton at nakitang seryoso siyang nakatingin sa harap. Mahigpit din ang hawak niya sa steering wheel.


"K-Kapag ba.." I stuttered. "Kapag ba sinabi kong 'oo' magagalit ka?" Mahina kong tanong.


Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya. Umigting ang panga niya.


"Magagalit ka?" Tanong ko pa.


"No." He massaged the bridge of his nose. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" 


Kinagat ko ang labi ko. Sasabihin ko ba sa kaniya?


"W-We're not dating and he's not courting me." Mabilis kong sabi at umiwas ng tingin. 


Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Noong bata pa kami ay nangako na kami sa isa't isa na hindi kami magsisinungaling sa isa't isa at ayoko naman na sirain ko ang tiwala niya sa akin. And besides, he's always been honest to me. So dapat ako din.


"What?"


"I was just pissed when I saw you and Jaydie at Hanson's birthday. Feeling ko na left out ako that's why I said that I am dating Zeke. Sinakyan naman iyon ni Zeke but I didn't expect him to say that he's courting me. I'm sorry." I explained.


Tahimik lang siya kaya kinabahan ako. Galit ba siya? Mag-aaway nanaman ba kami? Nako naman.


"Sorry na, Axton." 


"It's okay. What are you going to do? Mom and Dad and 'Zeke's Mom' knows that you two are dating." 


"I don't know."


Hindi ko alam ang gagawin ko. Madali lang sabihin na hindi totoo 'yon pero paano ngayon na alam na ng Mommy ni Zeke? At mukhang masaya pa siya! Nakaka-guilty naman kung babawiin namin.


"You don't like him, right?" 


Napatingin ako kay Axton. Tiningnan niya ako saglit bago binalik ang tingin sa daan. 

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon