"Mommy! Daddy!"
Paalis na sana si Axton sa playground nang makarinig niya ang sigaw ng isang batang babae. Naglalaro kasi siya kanina sa ulan at pauwi na siya dahil paniguradong papagalitan nanaman siya. Mahilig si Axton na magbasa sa ulan, kaya kahit na may kulog at kidlat hindi siya natatakot.
"Mommy! Daddy!"
Naglakad siya papalapit sa playground at nakita niya ang isang babaeng nakatakip ang dalawang kamay sa tenga habang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak-" Naputol ang sinasabi ni Axton nang biglang kumulog ng malakas.
"Daddy!" Mas lalong umiyak ang batang babae.
Nilapitan siya ni Axton at katulad nito ay basa na rin ng ulan ang batang babae.
"Takot ka sa kulog?" Tanong ni Axton at hinawakan sa balikat ang babae.
Dahan dahang tumango ang babae umiiyak pa'rin. Mas lumakas ang ulan kaya mas lalong umiiyak ang batang babae.
"A-ayoko na d-dito..." Sabi ng batang babae habang humahagulgol.
Hinubad ni Axton ang nakataling jacket sa bewang niya at pinatong sa balikat ng babae.
"Wag kang matakot." Sabi ni Axton at niyakap ang babae ng patagilid. Hindi alam ng batang lalaki kung bakit ginawa niya iyon.
Unti -unting kumalma ang batang babae at dahan dahang humarap sakanya.
"A-anong p-angalan m-mo?" Tanong ng batang babae kay Axton.
"Axto-" naputol ang salita ni Axton nang makarinig sila ng sigaw.
"Jusko kang bata ka! Sabrina, come here!" Bigla namang tumayo ang batang babae na ang pangalan ay Sabrina at tumakbo sa babaeng may dalang towel.
"Leo! Ano ba namang bata ka! Papatayin mo ako sa nerbyos!" Napalingon naman si Axton sa yaya niya na may dala ding towel, kasunod nito ang driver nila na may dalang payong.
Nilingon niya ang bata kanina pero ang nakita na lang niya ay ang kotse na papaalis. Sasama na sana siya nang may nakita siyang yellow na bracelet na nasa lugar kung nasaan ang bata kanina.
"Tara na, Axton! Lagot nanaman ako kay Sir at Ma'am nito!"
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...