"Oh! Anak!"
Nakangiting kumaway ako kay Mommy at Daddy. Weekend naman ngayon kaya umuwi ako, I need a break. Nakita ko sila na nasa living room, nanonood ng balita.
"Hi po!" Masayang bati ko at nilapitan sila para halikan sa pisngi.
Sigurado akong pauwi na din si Ate dahil gabi na. "Hi, dad." I kisses him in his cheeks.
"Buti naman ay umuwi ka." Mom said, raising a brow.
I nodded. "I need a break po. Masyado po kaming naging busy this past few weeks." I smiled.
Tumango naman sila. "Umakyat ka na sa taas at magbihis. Malapit na daw ang Ate mo, kakain na tayo." Dad said.
"Okay po."
Umakyat ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Agad kong binaba ang mga gamit ko at bumuntong-hininga.
Binagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko masyadong nakakausap si Axton. At sa mga araw na hindi ko siya kinakausap pakiramdam ko patay ako. Wala akong maramdaman, para bang nawalan ng kulay ang buhay ko.
Do I really like him that much?
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ito. Mabagal ang tibok nito hindi katulad nung kapag kasama ko si Axton. Bakit ngayon ko lang naramdaman 'to?
Huminga ako ng malalim.
Bumangon ako at kinuha ang cellphone sa bag ko. Nag-scroll ako sa social media hanggang sa may nakita akong post.
Shairra Lei Anderson, one of the youngest business woman in the world.
Nakalagay sa article na 'yon na pangalawa na ang company namin sa lahat ng companies dito sa pilipinas at syempre pang una ang mga Fernandez.
I can't help but to feel insecure towards ate. Sa edad niya ay ang dami na niyang napagtagumpayan at napatunayan. That's why Dad and Mom gave her the company. She can run our business alone.
Mapait akong ngumiti. Samantalang ako wala pang napapatunayan. Isang secretary sa isa din sa pinakamalaking company dito sa bansa. That's why hindi sila naniniwala na isa akong Anderson.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko. I'm not gonna cry about this.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago tumayo at nagpalit ng damit. Bumaba na din ako nang tawagin ako ng maid na nandyan na daw si Ate. Pagkababa ko at nakita kong yakap yakap ni Mommy si Ate, tuwang-tuwa.
"Congrats, Anak! You did great!" Sabi pa ni Mommy. Pinapanood lang sila ni Daddy na mukhang proud din kay Ate.
A tear shred down my face.
"Ang galing galing mo naman, Anak! Magna cum laude! Wow!"
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...