parang ganun yung design nung bakeshop ni sabie :) ctto
--
"Thank you po."
Namimili ako ngayon ng lugar kung saan pwede kong pagtayuan ng bakeshop ko. Matagal ko na kasi itong plinano at sa tingin ko naman ay handa na ako. Marami rami na din ang ipon ko.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Sakto lang itong lugar na ito dahil marami ang taong dumadaan at katabi ng mga company. Mabilis din itong makikita.
Nanghingi na din ako ng advice kay Ari kung ano pwedeng design, dahil doon siya magaling. Ang gusto kasi ay simple lang pero malakas ang dating. Medyo may pagka light brown ang design na may halong black at white. Gusto ko din ay maluwag ang place dahil maglalagay ako ng mga lamesa. Parang coffee shop na din dahil pwedeng mag-stay doon ang mga students.
Bumuntong-hininga ako. This is the first step.
Ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nagagawa na ako para sa sarili ko. Nakakaproud na sa wakas ay may mapapatunayan na rin ako sa sarili ko at sa ibang tao.
Masayang naglalakad ako papunta sa company dahil walking distance lang naman iyon dito. Kaagad kong nakita si Zeke na papasok pa lang kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi kami katulad dati na sabay kumakain pero alam kong gusto niya ako yayain. Ilang beses ko nga siyang nakitang nakatitig sa akin na para bang gusto niya akong kausapin pero pinipigilan niya.
"Sir!" Tumakbo ako papunta sa kaniya at ngumiti. "Good morning!"
He looked at me and surprisingly, he smiled. "Morning, Lynne. Why are you late?"
Sumimangot ako at tiningnan ang orasan ko. "Sakto lang kaya!" Sabi ko.
He chuckled. "Let's go."
Sumunod ako sa kaniya at medyo lumayo kasi baka kung ano pa ang isipin ng mga employees sa akin.
Kumunot ang noo ko nang tumigil siya at tumalikod para lumapit sa akin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at sinabay ako sa paglalakad niya.
Nanlaki ang mata ko at nilibot ang tingin sa paligid. Nakita kong nakatingin sa amin ang mga employees. Nakita ko pa si Gemma na pinipigilan ang ang pagtawa niya.
"Anong ginagawa mo?" Bulong ko dahil nakakahiya.
Baka kasi mamaya sabihin nila nilalandi ko si Zeke! Mahirap na! Ang judgmental pa naman ng mga tao ngayon!
Ngumisi lang siya at hindi nagsalita. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan iyon. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang wala naman siyang balak na pakawalan ang kamay ko. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang dumating na kami sa office niya kaya binitawan niya na ang kamay ko.Nilabas ko agad ang iPad ko dahil babasahin ko na ang schedule niya para ngayon.
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...