1

1K 13 2
                                    

"Good Morning, Axton!"


Masayang binuksan ko ang mga kurtina kaya lumiwanag sa kwarto at pinatay ang aircon. Nandito ako sa condo ni Axton dahil gigisingin ko siya. Nakagawian ko na gisingin siya araw-araw bago ako pumasok sa trabaho. Binigyan naman niya ako ng spare key kaya nakakapasok ako dito kahit kailan ko gusto.


"Wakey! Wakey! Gising na!"


Umakyat ako sa kama niya nang takpan niya ng unan ang mukha niya at dumapa. Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sakanya, hindi siya nakasuot ng pang-itaas kaya kitang-kita kung gaano siya kaputi.


"God, Sabrina Lynne. It's too early," reklamo niya at hinatak pabalik ang comforter.


Mas lalo akong gumalaw at inalog-alog siya.


"Tanghali na, Axton Leo! May pasok ka pa sa trabaho!" Sigaw ko at sinubukan siya kilitiin.


Naalala ko naman na wala nga pala siyang kiliti kaya mas nag-likot na lang ako. Aba! Siya ang CEO kaya dapat good model siya sa mga employees niya. Tapos tatamad-tamad siya.


"Axton! Gising naa!" Pakanta kong sabi at hiniga ang kalahati ng katawan ko sakanya.


Nakatigin ako sa kisame habang nakahiga patalikod pa rin sakanya.


Axton Leo Fernandez is my childhood bestfriend. He knows everything about me and I know everything about him. We do things together, and travel together. We have already been in different countries. He is basically my everything, but not in a romantic way. I never really thought of falling in love with him. Never.


"Sabie, you're heavy." He groaned and pushed me away from him.


I pouted and glared at him. "Bumangon ka na!" Sabi ko at lumabas ng kwarto niya para ihanda ang binili kong pagkain kanina sa mcdo. Hindi kasi ako magaling magluto. Pero willing naman ako matuto, lalo na mag-bake.


"What's for breakfast?" Napatingin ako kay Axton na naka business suit na at inaayos ang necktie niya.


Hindi muna ako sumagot at lumapit sakanya. Ako na ang nag-ayos ng necktie niya dahil mukhang hirap na hirap na siya.


"Binili lang kita ng pancake at orange juice. Sa office na lang ako kakain." Sabi ko habang inaayos ang necktie niya. Nang matapos ay lumayo din ako sakanya para kunin ang bag ko.


Kumunot ang noo niya. "Why don't you eat first?"


I smiled and showed him my watch. "Late na ako." Sabi ko at pinagpag ang suit niya. "Bye! Have a great day!"


"Take care!" Rinig kong sigaw pa niya.


Nagmadali naman akong lumabas ng company nila para maghintay ng taxi. Sira kasi ang kotse ko at hindi ko pa nagagawa dahil wala akong oras. Hindi naman kasi pwedeng hindi ko puntahan si Axton dahil paniguradong ma-llate 'yon.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon