"Kapatid pala kita.."
Ngumiti ako at tumingin kay Ondrea. Nandito kami ngayon sa balcony ng kwarto ko, inaya ko kasi siyang mag-usap. Kanina ay hindi ko siya makausap dahil busy siya makipagusap kila Daddy. Natutuwa nga sila dahil magkamukha daw kami. Totoo naman iyon.
Tinitigan ko ang mukha niya, hindi ko man napansin na may pagkakamukha kami nung nakita ko siya sa bahay ni Hanson. Magkamukha kami ng hugis ng mukha at ilong. Namana ko daw kasi ang mata ko kay Daddy. Maputi din siya katulad ko.
"Hmm. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa'yo." Sabi niya.
Ako din. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay magaan ng loob ko. Na para bang matagal ko na siyang kilala.
"Paano ka naging katulong ni Hanson?" Dahan-dahan kong tanong.
Ang alam ko kasi ay sa probinsya sila nakatira, kaya paano siya nakilala ni Hanson? At saka, alam kaya ni Hanson na magkapatid kami? Hindi siguro.
Yumuko siya. "Pumunta kasi ako sa Maynila nang patago, para maghanap ng trabaho. Ayaw ni Nanay na malayo ako sa kaniya kaya hindi ko sinabi sa kaniya na aalis ako. Kailangan na kasi namin ng pera dahil hindi na mabenta ang kakanin ni Nanay sa palengke. Puro narin kami utang."
Kita ko sa mga mata niya na gusto niya talagang matulungan si Nanay. Alam kong mahirap sa kaniya kasi bata pa lang ay kailangan na niyang magtrabaho. Hindi man lang niya na-enjoy ang pagkabata niya.
"Noong nasa Maynila ako at naghahanap ng trabaho ay nagasgasan ko ang kotse niya." Nanlaki ang mata ko. What? "Galit na galit siya non." Parang natakot pa siya ng maalala.
Nagasgasan niya ang kotse ni Hanson? Grabe siguro ang galit ni Hanson. Kahit nga hawakan ko lang ang kotse niya ay nagagalit na, 'yun pa kaya. Mas mahal pa ata niya ang kotse niya kaysa sa ka.. patid niya.
"Hindi ko mabayaran ang kotse niya kaya sabi ko ay mamasukan na lang ako bilang katulong. Lahat ng sahod ko ay doon din napupunta pero kahit papaano ay nagtatago naman ako ng kaunti." Sabi niya.
Mabait naman si Hanson, siguro pag galit siya ay hindi, pero mabait talaga siya. Nadadala lang siya ng emosyon niya minsan. Nasaksihan ko 'yon kapag galit siya kay gago. Kahit naman mas bata siya kay gago, mas mature pa rin pagdating sa away.
Napangiti ako nang may naisip. "Gusto mo sa bakeshop ko na lang ikaw magtrabaho? Kasama ako!" Masaya kong sabi.
Ang plano ko lang naman kasi ay mag-hire ng isang cashier, dalawang waitress, ako naman kasi ang magbabake. Pwede ko naman siyang turuan.
"May bakeshop ka?" Excited na tanong niya.
"Ginagawa pa lang," I smiled. "Umalis ka na doon kay Hanson."
Yumuko siya. "Hindi ko pa kasi nakukumpleto 'yung bayad sa kotse niya, pero ilang buwan na lang naman." Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...