From: Dad
Where are you? Bakit hindi ka pumunta sa dinner natin? Hinintay ka namin.
From: Dad
Text me back, Anak. I'm worried. Where are you?
Nasapo ko ang noo nang makita ang text ni Daddy. May dinner nga pala kami! Pero okay lang, si daddy lang naman ang kumakausap sa 'kin kapag nandoon ako.
To: Dad
I'm really sorry, Dad. May ginawa po kasi ako. Babawi na lang po ako next Sunday :))
I sighed. Mom and I were close back then, hindi ko alam kung anong nangyari. She still gives me warm hugs and kisses, but it doesn't feel the same anymore. Whenever I see her eyes, it's like there's something wrong.
"Sabrina.."
Napatayo agad ako nang tawagin ako ni Sir gamit ang ang intercom. Mabilis akong lumakad papunta sa office niya na malapit lang naman sa table ko. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaharap sa laptop niya at may binabasa.
"Yes, sir?"
Tumingin siya sa 'kin saglit bago binalik ang tingin sa laptop niya .
"Kumain ka na ba?" Tanong niya na pinagtaka ko.
Umiling ako. "Hindi pa po, pero kakain-" Hindi na niya ako pinatapos.
"Sabay na tayo." Bigla niyang sabi at tumayo. Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nakatulala.
Ano daw?! Kami sabay kakain?!
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila papalabas. Sabay kaming naglalad dahil nakahawak siya sa braso ko, nahiya naman ako dahil ang daming nakatigin sa amin na employees kaya mahina kong binawi ang braso ko at naglakad na lang kasabay niya. Hindi naman siya nagsalita.
"Get inside," turo niya sa kotse niya at wala naman akong magawa kung hindi sumunod.
Saan ba kami pupunta?
Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa harap. Ang gwapo talaga niya. Ang sharp ng jawline niya at moreno. Mukha siyang mangloloko pero ang totoo ang bait niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
Tumingin siya sa 'kin saglit bago binalik ang tingin sa harap. "We're going to eat lunch."
Hindi na kami nagsalita parehas 'non. Tumingin na lang ako sa bintina para malibang ang sarili. Nakakainip pero okay lang.
Nakahinga ako ng maluwag nang mag-park na siya sa isang restaurant. Okay lang naman siguro ang suot ko dahil naka black fitted dress naman ako at heels. Inayos ko na lang ang buhok ko at nilugay.
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...