look at the pic!
Disclaimer: hindi po ako talaga nagba-bake HAHAHAH kung may mali man sa sinasabi ko alam niyo na HAHAHA.
--
"Dahan-dahan mo lang ilagay.."
Nakangiti kong pinapanood si Ondrea na ngayon ay tinuturuan kong mag-bake. Ilang araw na rin kasi simula nung magbukas kami ng bakeshop. Masaya ako na makitang malaki ang inimprove niya. Madali lang siyang turuan dahil fast learner siya. Ang galing nga dahil sabi niya ay gusto daw niya talaga matuto mag-bake. Hindi lang daw siya makapagsanay dahil wala silang gamit noon.
Nakakatuwa na makita siyang masaya. Masaya din ako na finally, I have a new sister. Miss ko na kasi si Ate. Sobra. Hindi ko siya matawagan dahil wala daw signal doon. Maganda na rin siguro na walang signal doon para makapagpahinga talaga siya. I can't wait to see her again.
"Ganito ba, Ate Sab?" Tanong niya habang nilalagay ang batter sa cupcake liners.
Napangiti ako. It feels good to be called 'ate'. Hindi ko alam na ganoon pala ang feeling.
"Oo, 'wag mo punuin masyado dahil aalsa pa 'yan kapag na-bake na," sabi ko.
Tumango siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Nagpaalam naman ako sa kaniya na lalabas muna ako. Maya-maya ay magbubukas na kami. Maaga pa lang kasi ay nandito na kami dahil nga tuturuan ko siya. Ilang araw na din na ganoon ang set-up namin.
"Morning, Ma'am." Ngumiti ako kay Jelaine, ang cashier.
"Morning po."
"Morning po, Ma'am Sab."
Ngumiti ako bumati din sa mga staff ko. Hindi naman kami marami dito, sakto lang. Hindi naman ganoon kalaki ang bakery.
About nga pala doon sa trabaho ko kay Zeke ay nag-resign na ako. Nag-usap na din kami at maayos naman kaming dalawa. It's the best for us. Friends naman kami.
"Kean, patulong naman dito." Sabi ko doon sa isang staff ko na kakarating lang.
Medyo mali kasi ang pwesto nung isang lamesa kaya iaayos ko. Agad naman siyang lumapit at tinulungan ako.
"Sorry po, Ma'am, late po ako." Sabi niya.
I smiled. "Okay lang."
He smiled and bowed a little. Nakita ko tuloy ang dimples niya nung ngumiti siya. He looks cute. Inosente ang itsura.
"Ate.." Tawag ni Ondrea na nakasilip sa may pinto ng kitchen.
Nginitian ko pa si Kean bago pumasok sa kitchen. Nakita ko si Ondrea na pinapasok na ang cupcake sa oven. Sinabi ko sa kaniya kung ilang minutes dapat at agad naman siyang sumunod. Nang makita kung anong oras na ay nagsuot na ako ng apron ko magsimula na. May nakasalang na ako sa mga oven na cake at iba pang pastries. Itutuloy ko lang.
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...