"Tss. As if. Baka magselos pa 'yung 'future girlfriend mo sa 'kin."
Tumawa ako at umiwas ng tingin. Ngayon na lang ulit namin 'to napag usapan. Hindi naman kasi namin laging iniisip 'yung mga lovelife lovelife na 'yan.
He sighed. "Sabie, I told you that you are my bestfriend forever, right?" I nodded. "So it means, if I would choose between you and my 'future girlfriend. I will always choose you. Promise."
I pouted and pinched his cheeks. "Asus! Nambola pa si Leo! Siguraduhin mo na totoo 'yang sinasabi mo, ah. Masasaktan talaga ako kapag sinira mo 'yang promise mo. At kapag nangyari 'yon, hindi na talaga kita kakausapin forever!" I exaggerated.
I looked at the night sky and saw the stars shining so bright. I wish I could touch them, though. Matagal ko na kasing gustong tinitingnan ang mga bituin. Sa kwarto ko nga may mga fake stars sa kisame. Ewan ko, whenever I look at the stars, all I can see is the smiles of the people I love.
"Ba't naman hindi kita pipiliin?" Seryosong tanong niya.
"Syempre, pag dumating na 'yung tao na magpapatibok ng puso mo...mawawala na ako. I mean, hindi naman kasi pwede na habang buhay mo ako kasama. Friends pa rin tayo pero hindi na katulad dati na..hindi ka mahiwalay sa 'kin, hindi ako mahiwalay sayo." Seryoso ko sagot.
Hindi naman pwede na yayakapin ko siya kahit kailan ko gusto, lalo na kapag may karelasyon na siya.
"Why are we talking about this? It's not like I'm gonna be married tomorrow." He rolled his eyes.
"I'm just stating the possibilities. Hindi naman masama na isipin ang future 'di ba?" I chuckled.
Hindi na kami nagsalita pagakatapos 'non.
Aaminin ko, natatakot ako. Sa tagal naming magkaibigan ni Axton, nasanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko. Kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag may gf na siya.
At bakit ko ba pinoproblema 'yon?!
"Tsk!" Asik ko sabay iling. Nagtataka namang tumingin si Axton sa 'kin. "Tara na nga. Inaantok na ako."
Tumayo na ako at naunang lumabas. Maganda nga dito kasi libre kami, pwera lang sa mga kainan.
Hinatid ako ni Axton pabalik sa condo ko. Inaya ko pa siya umakyat kaso pagid na rin daw siya. Agad akong nakatulog dahil nga sa pagod kaya kinabukasan, maaga akong nagising.
Wala naman akong gagawin ngayon, may dinner lang kami sa bahay mamaya.
"Susubukan ko ba?"
Nakangusong nakatingin ako sa mga baking ingredients na nasa harap ko. Matagal ko ng gustong matuto mag-bake sa totoo lang. Kaso wala naman akong time mag practice.
Muli kong tiningnan ang mga baking ingredients sa harap ko bago tawagan si Ari. Kahit na alam kong hindi rin siya marunong, at least may tutulong sa akin.
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...