6

441 11 5
                                    

"Sir, papirma po."

Inabot ko 'yung folder na hawak ko kay Sir Zeke at umiwas ng tingin. Simula kasi nung lunch namin ay medyo naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit, eh ang tagal naman na 'non! Dati naman normal lang sa akin na kausapin siya pero ngayon..ewan ko ba!

"Here." Sabi niya at inabot ulit ang folder.

Mas nakakailang pa kasi nakatingin pa siya sa akin. "Thank you po."

Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Are you free this weekend?" He said and continued staring at me.

Ano nanaman trip nito?

"Are you free this weekend?" Ulit niya.

Napakagat naman ako ng labi. Baka lumabas kami ni Axton sa Sabado. Sa Sunday naman ay baka pumunta ako sa bahay para kamustahin sila Daddy.

"Ahm..May gagawin po kasi ako. Pero pwede po ako sa Sunday ng umaga. Bakit po ba?"

Sumandal siya sa swivel chair niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Let's eat breakfast together, then." 

Napaawang ang bibig ko at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Ano daw?  Tama ba ang narinig ko?!

"P-Po?" Gulat pa ring sabi ko.

He smiled. "Sunday. 7 AM. I'll text you the address."  

Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko at  nanatiling nakatulala. Grabe..Ano nanaman ang trip ni Sir?

Hindi naman niya ako gusto 'di ba? Hala! Hindi pa ako ready magka-boyfriend! At saka 'di ba nga malayo ako sa mga babaeng gusto niya!

Pilit na ngumiti ako. "S-Sige po, Sir." 

Iyon na lang ang sinabi ko at lumabas na ng office niya. Feeling ko kasi hindi na ako makahinga doon dahil sa pagtataka. 

Nakabalik na ako sa table ko pero hindi pa rin ako makapaniwala na inaya nanaman ako ni Sir na kumain. 

"Hay! Ewan, Sab! Magtrabaho ka na lang." Sabi ko sa sarili ko at pinilit na finocus ang sarili sa trabaho.

Natapos ang araw at as usual, pagod na binagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Tinatamad akong magluto.

Tatawagan ko na lang si Axton!

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng condo ko. Kukuha na sana ako ng walis nang makitang si Axton 'yon.

Napapikit ako. "Axton! Tangina naman! Kumatok ka man lang sana!" Sigaw ko sa kanya habang hawak ang dibdib sa kaba.

Nagulat naman siya at inosenteng tumingin sa akin. "Sorry naman. Hindi ka naman kasi nagugulat dati." Sabi niya at tinaas ang paper bag na dala niya. "Nagdala ako pagkain."

Parang bigla namang nawala ang inis ko at ngumiti. Lumapit ako sakanya at patalon siyang niyakap.

"Thank you, Lio! Lio! Thank youu!" Masayang sabi ko at tumingin sa kanya.

Tumango tango naman siya at iniwas ang mukha. "Oo na. Oo na. Kain na, Sabie."

Nakangiting tumango ako at kinuha ang pagkain na dala niya. Habang kumakain ay napatingin ako sakanya.

"Kamusta araw mo?" Tanong ko at sumubo ulit. 

Pagod siyang ngumiti. "As usual, pagod. But it's alright. Sanay na ako." 

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon