24

453 11 3
                                    

"Good morning, Zeke!"


Hinila ko ang kumot na nakatakip sa katawan ni Zeke dahilan para bumungad sa akin ang likod niya. Tumabi ako sa kaniya at inuuga-uga ang katawan niya para magising siya. Kung hindi pa siya gigising ay malalate kami!


Binigyan niya ako ng spare key sa condo niya dahil gusto niya ay sabay kaming mag-breakfast. Ang arte pero pumayag na lang ako. 


Napangiti ako nang tinakpan niya ng unan ang ulo niya at umurong papalayo sa akin. Mas lalo ko siyang ginulo. 


"Zeke, tanghali na." Sabi ko.


He groaned.


Nanlaki ang mata ko nang hulihin niya ang bewang ko at hinila papalapit sa kaniya. Dinagan niya ang isang binti niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.


"5 more minutes," he whispered.


I smiled and caressed his hair. 


Isang buwan. Isang buwan na kaming hindi nagkikita at nag-uusap ni Axton. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko doon. Sa isang buwan na wala siya ay Zeke nalipat ang atensyon ko. He always makes me smile and forget things. Kapag kasama ko siya ay lagi niyang pinaparamdam na mahalaga ako. He is someone who will make you laugh when you're hurting.


But still, I don't feel anything. I know that I am not in love with him.


Minsan ko nang natanong ang sarili ko kung bakit hindi pa ako nahuhulog sa kaniya? Ako ba ang may problema o masyado pa lang maaga? I mean, Zeke is perfect. Pero bakit wala pa rin akong nararamdaman.


Hindi ko alam. Oras lang ang makakasagot. 


I sighed. "Zeke, tanghali na bumangon ka na." Sabi ko at inalog alog siya.


He groaned again. Humiwalay siya sa akin kaya agad akong tumayo. Sa isang buwan na lagi kaming magkasama ay nasanay na ako sa pagiging clingy niya. 


Nang makitang tumayo na siya ay lumabas na ako sa kwarto niya at umupo sa harap ng lamesa. Kanina pa kasi ako naghain kaya paniguradong malamig na ito.


Nilabas ko ang cellphone ko at nag-scroll sa social media ko. Pagkabukas ko pa lang ng IG ay post na agad ni Axton ang bumungad. Picture nila iyon ni Jaydie sa isang restaurant. 


Fernandexton: my love.


Nanliit ang mata ko. Hindi man lang halata sa itsura niya na nagsisi siya o kaya naman ay may nawala ako sa kaniya. Malaki ang ngiti niya habang nakatingin kay Jaydie na sobrang ganda din ng ngiti. Madami na agad ang nag-like ng post na iyon. Nakita kong may IG story si Axton kaya pinindot ko iyon. 


Bumungad sa akin ang kulay dilaw na roses. Halata na nasa kotse siya dahil nakita ko pa ang steering wheel.  20 minutes ago 'yon kaya nagtaka ako.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon