15

468 9 1
                                    

From: Lio Lio

Gusto mo luto kita dinner?


Napangiti ako habang binabasa ang text sa akin ni Axton. Simula nung magkabati kami ay hindi na siya tumigil sa pagtext sa akin. Gusto ko sana tanggapin ang offer niya na pagluto ako kaso alam kong pagod na siya sa trabaho.


To: Lio Lio

'Wag na. Pahinga ka na lang.


Tinago ko ang cellphone sa bag ko at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway ng condo ko. Minamasahe ko pa ang bewang ko dahil buong araw ata ako nakaupo. Ang dami kasi naming kailangang gawin. Sobrang busy ng araw na 'to.


Pinikit ko ang mata ko habang lumalakad na parang multo. Parang ayoko na kumain, gusto ko na lang matulog! Pero nagugutom na ako, e. Ano ba ulam na madali iluto? Mag tuna na lang kaya ako? Or cornbeef? Sardinas?


"Sabrina.."


"Ay anak ng sardinas!" 


Dinilat ko ang mata ko at agad na hinampas si Zeke na nasa tapat ng condo ko, pinipigilan ang tawa. Gago!


"Baliw ka ba! Akala ko ki-kidnapin na ako!" Hinawakan ko ang dibdib ko habang hinahabol ang aking paghinga. 


Ano bang ginagawa niya dito? Akala ko ba nauna akong umalis sa kaniya? Ganoon ba siya kabilis mag-drive?


"Relax, Lynne. Ako lang 'to." He laughed.


Umirap ako. "Ako lang 'to mukha mo.." Bulong ko at masama siyang tiningnan. "Ano bang ginagawa mo dito?" 


Tinaas niya ang kamay niya na may hawak na paper bag. "I brought some food." He smiled.


Tumaas ang kilay ko at agad na binuksan ang pinto ng condo. Aawayin ko pa sana siya kaso gutom na ako. Pinapasok ko siya sa condo at binaba naman niya ang paper bag sa lamesa. Nilibot niya ang tingin sa paligid.


"Nice condo." He said.


"Thanks. Uhm, magpapalit lang ako ng damit. Upo ka muna diyan." Sabi ko at tinuro ang sofa. Tumango naman siya at naupo. Naka white sweater na lang siya ngayon, nagpalit daw siya sa sasakyan kanina. 


Nginitian ko muna siya bago pumasok sa kwarto. Naghilamos lang ako ng mukha dahil masyadong magtatagal kapag naligo pa ako. Nagpalit din ako ng sweatpants saka overized t shirt. Lumabas na din ako sa kwarto pagkatapos.


Naabutan ko si Zeke na nakatingin sa may picture frame na nakasabit sa may living room. Drawing iyon ni Laurene, kaming dalawa ni Axton ang nandoon habang nakaakbay si Axton sa akin. Magaling kasi mag drawing si Laurene. Isang talento na gusto kong magkaroon.


"Cute ko no?" Sinilip ko siya mula sa likod. Sa picture kasi na 'yon ay bata pa kami ni Axton kaya malaki pa ang pisngi ko. 


Nilingon naman niya ako at ngumiti. "Yeah. You are much beautiful now, though." 


No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon