10

450 13 20
                                    

Nagkita na pala sila?


Oo, alam kong sinabi na sa akin ni Axton na nagkita na sila pero hindi ko naman alam na may ganoon ng nangyayari. Kaya ba hindi niya ako nireplyan 'non kasi kasama niya si Jaydie?


'Yung IG post niya? 'Yung caption niya na 'j' ang ibig bang sabihin non ay Jaydie? 'Yung pictures? Sa restaurant ba 'yon ni Jaydie?


Bakit hindi niya sinabi?


Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at dumukmo sa lamesa sa harap ko. Nakakainis naman kasi! Bakit hindi niya sinabi? Ano 'yon? Hindi na niya ako kaibigan?!


Mas nakakainis pa ay hindi ko alam kung bakit naiinis ako kaysa maging masaya na lang para kay Axton. Nakita ko kasi kung paano niya hinitay si Jaydie.


Pero kasi 'di ba?! Bakit hindi niya sinabi!


"Hoy, Sabrina! Ano ba problema mo at ganyan ang itsura mo?"


Nag-angat ako ng tingin kay Ari na bagong dating at mukang nagmamadali pa. Tinext ko kasi siya agad na magkita kami dito sa coffee shop. Kailangan ko lang ng makikinig sa akin.


"Ariii!" Parang batang magsusumbong na sabi ko.


Nalukot naman ang mukha niya at umupo sa harap ko. "Ano ba problema mo at pinagmadali mo pa ako?!"


I pouted. "Nagkikita na pala si Axton at Jaydie." Sambit ko.


She raised a brow. "Jaydie? 'Yung crush ni Axton nung bata?"


"Hanggang ngayon." I corrected.


Dahil nga mas close kami ni Axton, wala masyadong alam si Ari sa mga crush ni Axton na ganyan. At dahil nga din pumunta siya sa ibang bansa. Hindi ko naman kasi nakwe-kwento sa kanya lahat ng nangyayari dito nung wala pa siya.


"Oh, ano naman? Nagkikita na sila? E 'di masaya! Magkaka-lovelife na si Sir!" Sabi ni Ari at pumalakpak pa. Natigil lang siya nang makita ang nakasimangot na mukha ko. "Omg! Don't tell me na nagseselos ka?!" Napatakip siya sa bibig.


Agad akong umiling. "Bakit ako?! Bakit ako magseselos?! Ano ko ba si Axton?! Kaibigan lang naman!" Defensive na sabi ko kaya mas lalo siyang ngumisi.


"Sus! Kaibigan.." She whispered.


I rolled my eyes. "Naiinis lang ako kasi hindi man lang niya sinabi sa akin na nagkikita na sila! Hindi man lang 'tayo' ininform 'di ba?!" Pagre-reklamo ko.


Tumango siya. "May point ka naman. Pero malay mo ayaw niya 'muna' ipaalam 'di ba? Baka gusto din niya ng privacy. Saka 'te, halos lahat ng ginagawa niya alam mo na!"


Privacy? Masyado na ba ako nangingialam sa buhay niya? Nakakasakal na ba ako? Ano ba yan! Ayokong nago-overthink, e!

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon