To: Lio Lio
Okay :)
Nanghihinang binaba ko ang cellphone ko at natulala. Magkasama pala sila? Hindi sinabi ni Axton 'yun, ah. Kung magkasama pala sila dapat hindi na niya ako pinapunta dito. Nasayang pa ang pagod at effort ko.
Bumuntong-hininga ako.
Nagawi ang tingin ko sa cupcake na nasa tabi ko. Ginawa ko pa naman iyon para sa kanya, tapos hindi siya pupunta. Naramdaman kong tumunog ang sikmura ko at doon ko lang ulit naalala na hindi pa pala ako kumakain.
Kumuha ako ng isang cupcake at sinubo 'yon.
Tumingin ako sa kawalan at natulala. Kailan ko kaya mapapatayo ang dream bakeshop ko? Wala pa akong naiisip na pangalan pero sana balang araw, mapatayo ko din iyon. Iyon talaga ang pinag-iipunan ko. Ayaw ko naman na manghingi pa ako ng puhunan kila Daddy. Kaya nga ako nagtra-trabaho para kumita.
Gusto kong mapatunayan ang sarili ko kila Daddy. Ate Shaira has always been the top one, but they didn't make me feel that I'm just the second best. Pero kahit na ganoon ay gusto ko paring patunayan ang sarili ko sa kanila.
Ate Shaira already build her own empire. And I want to build my own to, without the help of our parents. I want to prove myself to them na kaya ko.
Axton has always been supportive to me. He made me feel that I'm the best. And I admire him about that.
I ate the last bite of my cupcake when I felt water on my skin. I looked around and saw people running.
Umuulan?!
Dali-dali kong niligpit ang gamit ko kahit na nanginginig. Dahil madami ang cupcake ang nakalabas ay bumuhos na ang malakas na ulan at hindi pa rin ako tapos mag-ligpit. Naluluhang sumilong ako sa may poste malapit sa pwesto ko pero nababasa pa rin ako.
Napatakip ako sa magkabilang tenga ko at napaupo nang kumulog ng malakas. Nagsimulang tumulo ang luha ko at mahigpit na tinakip ang dalawang kamay ko sa aking tenga.
I've always hated the rain. It reminded me the day Ate ignored and left me at the playground.
"Axton.." Bulong ko sa gitna ng paghikbi.
Nanginginig na ako at hinabol na ang aking paghinga. Patuloy pa rin ang pagkulog ng malakas kaya mas naiyak ako.
"Sabrina?! Sabrina!" Parang nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses ni Axton. Nandito siya!
"Sabrina!" Sigaw niya pa ulit na parang hinahanap ako.
"Axton!" Sigaw ko, naghahabol ng hininga.
"Sab?!" Narining ko ang pagtakbo niya papalapit at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Sab!"
BINABASA MO ANG
No Heart Without You (Fernandez Series #2)
RomanceFernandez Series #2 Sabrina Lynne Anderson and Axton Leo Fernandez had always believed they are each other's half since they were childhood bestfriends. They did everything together, knew everything about each other, and were basically inseparable. ...