31

632 18 12
                                    

song: Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

--

"Sabie.."


Napairap ako at tiningnan ng masama si Kuya Zach na nakangisi sa akin ngayon. Parang tanga. Kanina pa nila ako inaasar ni Hanson, nalaman kasi nila ang nangyari sa amin ni Axton. Imbis na maawa, nang-asar pa.


Palibhasa hearbroken din sila.


"Isa pa, Zach, Hanson. Nakita niyo 'tong hawak ko." Tinaas ko ang kutsilyo na hawak ko. "Nasa loob na 'to ng katawan niyo." 


Tumawa sila at tinaas pa ang dalawang kamay.


"Chill, joke lang, e. Baka mamaya doblehin mo pa 'yung presyo ng binili namin. Sorry na." Sabi ni Hanson, tumatawa. 


Inirapan ko siya. "Psh. Buti alam mo!" Pagsusungit ko pa at saka sila tinalikuran.


Ang aga-aga umiinit ang ulo ko! Gosh.


Kanina pa sila dito sa bakeshop ko. Wala ba silang trabaho? Porket mayayaman na, e, ang tamad na. Masaya ako na madami silang inorder pero kung paiinitin lang nila ang ulo ko, aba! Thank you, next. Madami pa akong customer.


"Hi, Ate!" Napalingon ako sa pinto at agad na napangiti nang makita si Ondrea na papalapit sa akin.


Yinakap niya ako. "Oh, ang aga mo naman nandito?" Tanong ko.


"Tutulungan kita." Sabi niya at ngumiti.


Tumango naman ako at aayain sana siya nang may tumawag sa akin.


"De-deliver ko na 'to, Sab." Sabi ni Kean habang bitbit ang mga box na may laman nung mga cake na inorder kahapon. 


"Sige. Ingat sa daan." Paalala ko pa. 


Lumingon ulit ako kay Ondrea at agad na nagtaka ng wala na siya doon. Nasaan 'yun? Pumunta ako sa kitchen pero wala siya doon. 


Lumabas ulit ako at nakita ko na wala na din si Hanson sa harap ni Zach.


Anong nangyayari?


Pumunta ako doon sa lamesa nila Kuya Zach at umupo doon sa inuupuan ni Hanson kanina. 


Baka may nakalimutan lang si Ondrea.


Nang makita niya ako ay tumaas ang kilay niya. Sungit naman.


"Nasaan si Hanson?" Tanong ko, nilibot ko pa ang tingin sa paligid.


He shrugged. Napairap ako. Sungit.


"Kamusta love life mo?" Tanong ko.

No Heart Without You (Fernandez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon