Kero-Kero 01

432 27 35
                                    

Miki's Point of View:

Nagsimula na noon ang unang araw ng pasukan, magkakasabay kami nila Pokok na pumasok kasama ang mga kaibigan naming sila Mariza, Vito, Jayson, at sila Luiz at Minyong na simula noong bakasyon ay may napapansin na kaming kakaiba sa closeness ng dalawa na ilang beses na din naming iniintriga pero todo deny ang mga lolo niyo kaya naman oo na lang kami. "New school, new life, new start!" ang sabi ko sabay hinga ng malalim nang makarating na kami sa eskwelahan na papasukan namin.

"Seryoso insan may ganyang drama?" ang usisa ni Mariza.

"Of course insan! This will be my first time na makakapasok sa isang non-private school, hindi ko alam kung ano ang i-e-expect ko, kaya lahat nang mangyayari sa school life ko this year is something new talaga. Kaya naman I have to start everything and welcome everything positively." ang tugon ko.

"Ikaw talaga Kero, ang dami mong alam, dapat nag-educ ka na lang." ang pabirong sabi ni Pokok.

"Eh kung educ-dok ko kaya 'yang mukha mo diyan sa kinatatayuan mo?" ang pamimilosopo kong tugon sa kanya at nagtawanan ang mga kasama namin.

"Ha-ha-ha! Noong bakasyon lang ang tamis tamis niyong dalawa, ultimo langgam umiiwas sa inyo sa takot na magkadyabetis. Ngayon para na naman kayong aso't pusa." ang natatawang sabi ni Minyong.

"Oo nga, balik abno... este normal na naman kayo." ang dagdag ni Luiz.

"Asus parang bagong bago sa inyo pag-aasaran namin nitong si Kero, eh kayo kailan kayong dalawa aamin sa amin?" ang pang-iintriga ko at nagkatinginan pa sila Minyong at Luiz at halatang nahiya dahil sa pareho silang natahimik.

"Mabuti pa pumasok na tayo, hahanapin pa natin 'yung classroom natin para sa unang klase." ang sabi naman ni Vito, at hindi naman kami tumutol.

Bago kami makapasok ay isa-isa muna naming pinatusok kay manong guard ang mga dala naming bags, at pagkatapos ay nagpatuloy na din kami sa paglalakad, dala namin ang mga form namin kung saan nakalagay ang list ng mga klase na papasukan namin, ang oras, kung anong room number, at kung sino ang magiging professor namin. Para kaming mga treasure hunter na naghahanap ng nawawalang classroom.

"Alam niyo parang mas maganda kung magtanong na tayo, suggestion ko lang naman. Medyo may kalakihan 'tong university kaya hindi naman natin pwede isa-isahin mgabuildings and rooms dito." ang sabi ko.

"Tama si Miki. Mas okay siguro kung magtanong na lang tayo." ang sabi ni Jayson na halatang napagod na din tulad ko sa kakapaikot-ikot namin sa paghahanap ng unang room namin.

At gano'n na nga ang ginawa namin, bumalik kami sa gate ng school para magtanong sa guard na nandoon, at ang laking naitulong ni kuyang guard dahil bago pa lang daw siya at di niya pa kabisado ang mga rooms na nandoon, kaya naman napangiti na lamang kami sa kanya at napa-thank you. Well at least hindi nagmarunong si kuyang guard, honest, so I salute to him pa din.

"May hinahanap ba kayong room?" ang nadinig naming sabi ng isang lalaki na sabay-sabay pa naming nilingon, at anak ng mga anghel akala ko napunta na ako sa langit dahil sobrang gwapo niya idagdag mo pa 'yung medyo blinding lights effects tapos 'yung napakabango niyang amoy na humahalimuyak sa pag-ihip ng hangin na alam kong hindi panglalaking pabango kundi Sikreto ni Aling Victoria ang gamit niya.

"Are you lost bibi boy?" ang biglang sabi ni Mariza, at hindi namin napigilan ang matawa dahil hindi namin inaasahan na haharot siya bigla ng gano'n. Mabuti na lang at mukhang may sense of humor din si kuyang pogi kaya tinawanan na lang niya 'yung sinabi ni Mariza na lahat kami naka-recover na siya focus kung focus kay kuya mukhang kinakabisado lahat kay kuya.

"Ah sorry, ano, may hinahanap kasi kami na classroom, bago lang kaming lahat dito sa university na 'to at nakalimutan namin mag-ikot-ikot noong nag-enroll kami kaya heto..."

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon