Kero-Kero 13

163 17 7
                                    

Miki's Point of View:

Kinaumagahan ay agad kong kinuha ang aking laptop at dali-dali kong hinanap ang isang website na nakabase sa bansang Amerika. Matagal ko ding tinitigan ang website na 'yon hanggang sa makapagpasya na kong sagutan ang online registration form sa website na 'yon. Matapos kong masagutan ang form ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag ako kay mommy.

"Oh Miki, anak, bakit napatawag ka nang ganito kaaga?" ang bungad na tanong ni mommy.

"I'm sorry if I called you this early, pero mom, I have decided na po, I will join you and dad sa business trip niyo this coming November." ang sabi ko.

"Sigurado ka ba diyan anak? Akala namin ng dad mo you will choose na diyan na lang I-spend ang bakasyon mo." ang tugon ni mommy.

"Iyon din po ang akala ko pero something came up and I guess po kailangan ko din ng medyo bagong surroundings. Alam niyo na po to unwind, breathe, and think." ang sabi ko.

"Hmm... parang alam ko na ang dahilan." ang sabi ni mommy. "Pero hindi ko na uungkatin pa ang dahilan na 'yon, I mean magsabi ka lang sa akin whenever you feel like sharing it. Alam mo naman na ano man ang pagdaanan mo sa buhay at love life mo, nandito lang kami ng daddy mo, ready to support you and to listen. Nandyan din si lola mo, pwede mo siyang kausapin whenever you like kailangan mo ng makakausap." ang sabi ni mommy at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

"Thank you mom, I know naman na kahit hindi ako magsabi ay mauunawaan niyo po ako." ang sabi ko. "I love you mom, and please tell dad how much I love him too." ang dagdag ko.

"We love you too anak." ang tugon ni mommy. At pagkatapos no'n ay nagpaalam na din ako sa kanya.

Noong araw na 'yon ay nagsabi ako kay lola na hindi ako papasok at tingin ko'y naunawaan niya agad ang dahilan kahit hindi pa ako magsabi sa kanya. Agad niya akong pinayagan na lumiban muna sa klase at sinabi pa sa akin na huwag kong masiyadong dibdibin ang mga nangyayari dahil hindi ako makakapag-isip ng tama kung masiyado kong didibdibin ang lahat, at isang tango lang ang itinugon ko kay lola.

Halos buong umaga ay nakakulong lang ako sa kwarto ko, masaya, buhay na buhay, at nakakaindak na mga K-Pop songs ang pinapatugtog ko pero kahit sino sa 2NE1, Girls Generation, 4Minute, Brown Eyed Girl, T-Ara at iba pa ay hindi nila nagawang mabago ang gloomy mood ko.

"Nakakabagot..." ang sabi ko sabay buntong hininga at sabay tugtog ng kantang "Lonely" ng 2NE1 na tila ba napagod nang pasayahin ako kaya sinabayan na din ako sa pag-e-emote ko.

Nang tuluyan nang umabot sa sukdulan ang pagkabagot ko ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Agad akong nagpaalam kay lola na lalabas lamang ako para magpahangin at kung sakali man na gabihin ako ay 'wag siyang mag-alala dahil sisiguruhin ko namang makakauwi ako at ligtas ako.

Nang araw na 'yon parang lahat ay naging boring para sa akin, para bang bumalik ako sa panahon bago ako makarating sa Nueva Ecija. Hindi ko na magawang ma-appreciate yung ganda ng lugar, 'yung tipong gusto ko nang tawagan sila mommy at daddy para sunduin ako at iuwi na ng Manila.

Hanggang sa namalayan ko na lang nakatayo na pala ako sa tapat ng masukal na daan papunta sa batis. "Sobra bang arte ko? Sobra bang sakit ko sa ulo? Sobra bang insensitive ko? Sobra bang nakakapagod ako mahalin at unawain? O Sobrang OA ko lang talaga sa lahat ng bagay kaya nainis, napagod, at sumuko ka na sa akin?" ang sabi ko habang nakatingin sa daan na patungo sa batis habang iniisip ko si Pokok na nakatayo lang sa bungad nito at nakatingin sa akin. "Sorry, sorry for being too much, pero alam mo sa lahat ng sobra sa akin sana 'yung sobra na love ko for you, sana kahit 'yun lang nagustuhan mo at na-appreciate mo. Siguro nga ang panget ng ugali ko, pero thank you kasi you made me feel loved kahit sa sandaling panahon. Sabi ko kagabi hindi na ako babalik sa lugar na 'to pero heto nakatayo ako dito dahil sariling paa ko mismo ang naghatid sa akin dito." ang litanya ko na hindi na napigilang lumuha habang unti-unti na naglalaho ang imahe ni Pokok na ginawa lamang ng imahinasyon ko.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon