Pokok's Point of View:
Tahimik akong nakatanaw noon sa binta ng kwarto ko na aking inuupahan sa isang apartment building dito sa New York, umiinom ako noon ng kape habang pinagmamasdan ko ang unti-unting pagbabago ng view sa labas ng apartment buiding na 'yon. Doon din pumasok sa isip ko na sampung taon na din ang lumipas simula nang araw na magkahiwalay kami ni Miki, sampung taon na din ang lumipas simula nang magpasya siyang magpakalayu-layo sa akin, sa amin, at ni isang paramdam ay wala. Pero sa sampung taon na 'yon hindi siya nawala sa isip ko lalo na sa puso ko, pangalan pa din niya ang sinisigaw ng mga 'to, kahit na ilang beses na akong pinayuhan ng mga kaibigan kong mag-move on. Sampung taon akong nangungulila sa kanya, sampung taon na mukha niya lang ang hinahanap ko sa bawat taong nakakasalubong ko sa daan kahit na noong nasa Pinas ako at kahit dito sa New York. Walong taon naman ang lumipas na simula nang magpasya akong dito manirahan para lang hanapin siya, pero sa totoo lang para akong naghahanap ng karayom sa malawak na lupain ng mga dayami. Aaminin ko, may pagkakataong nakakaramdam na ako ng pagod pero sa tuwing naiisip ko na hindi basta isang kakilala lang ang hinahanap ko, sa tuwing naiisip ko na baka hinihintay niya lang ako na mahanap ko siya, ay bumabalik ako sa pagpapalakas ko sa sarili ko na hanapin siya, kahit na parang napakaimposible na, kumakapit pa din ako sa hiling, dasal, pag-asa, at pagmamahal na meron ako para sa kanya.
Nasa ganoon akong mood nang madinig kong tumunog ang cellphone ko, ibinaba ko sa mesa ko ang kapeng iniinom ko at nagmamadaling kinuha ang cellphone ko na nakalapag noon sa kama ko. Si Minyong tumatawag sa pamamagitan ng video call ng messenger, agad ko namang sinagot at sabay higa sa kama ko, at kasunod no'n ang pagbungad sa akin ng mokong kasama si Luiz.
"Happy 10th anniversary!" ang bungad na bati ng mokong sa akin na ang tinutukoy ay ang walang puknat kong pag-asa na baka meron para sa amin ni Miki.
"Alam mo kapag nakauwi ako diyan sa Pinas, kokotongan talaga kita." ang pabiro kong tugon sa pang-aalaska niya sa akin.
"Oh, eh bakit hindi ka pa nga umuwi ng Pinas? Kahit sampung kotong pa 'yang gawin mo sa akin oks lang, walong taon na Pokok simula nang mapadpad ka diyan, hindi mo man lang ba kami nami-miss?" ang sabi ni Minyong.
"Ano ba namang tanong 'yan, siyempre nami-miss ko din naman kayo, pero alam niyo naman ang isasagot ko diyan 'di ba?" ang tugon.
"Oo alam namin, si Miki, hanggang hindi mo nakikita si Miki, at hindi mo siya makakasamang umuwi dito, hindi ka din uuwi." ang tugon ni Minyong. "Pero Pokok, hanggang kailan? Hanggang kailan mo gagawin ang mga ganitong bagay?" ang dagdag na tanong nito.
"Tama si Minyong Pokok, baka panahon na para mag-let go ka na din, baka ikaw na lang ang hindi pa nakakapag-let go at move on sa inyo? Ang ibig kong sabihin ay hindi imposible na naka-move on na si Miki at may mahanap na ding iba sa tagal niyang namumuhay na mag-isa diyan sa New York?" ang dagdag ni Luiz. "Alam nating lahat kung paano isinara ni Miki ang mundo niya sa ating lahat, facebook, IG, Twitter, at iba pang social media accounts na alam natin ay hindi natin siya mahagilap, lahat 'yon either naka-private or naka-block tayo. Baka panahon na Pokok? Hindi namin sinasabi 'to dahil ayaw namin kayo magkabalikan ha? Alam mo naman kung gaano namin kagusto na magkabalikan kayo pero kaibigan mo, ninyo, din kami at nakikita naman namin ang pagsasakripisyo mo, at gusto naman namin na sarili mo naman ang unahin mo." ang sabi pa ni Luiz, at sandali akong natahimik.
"Alam ko naman 'yon. Alam ko kung gaano kayo nag-aalala para sa akin, lalo nang makapagpasya akong lumipad papunta dito para lang hanapin siya, alam niyo din kung gaano ako nahirapang mag-adjust dito noong nagsisimula pa lang ako. Hindi ako ganoon kagaling sa Ingles pero sinuportahan niyo pa din ako, tsaka ayoko sayangin 'yung pagkakataon na binigay sa akin ni lola Veron, dahil maging siya gusto niyang makita ulit ang apo niya kaya nga kahit nakiusap sa kanya si Miki na huwag sabihin sa atin kung nasaan siya si lola Veron ang nagsabi sa atin at siya ding tumulong sa akin para makapunta ako dito. Kaya kahit nahihirapan ako ayokong sumuko kasi alam niyo din kung gaano ko kamahal si Miki, at kung sakali mang tama kayo na mayroon na siyang iba..." ang sandali kong pagtigil at napatingin ako sa larawan namin ni Miki na magkasama na noon ay nasa mesa ko. "Kung magkataong meron na nga siyang iba... kung meron na... doon ko na lang siguro pipilitin ang sarili ko na hindi na siya mahalin pa." ang sabi ko na para bang pilit pa ang pagkakasabi ko sa mga hulitang salita ng sinabi ko na 'yon.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Fiksi Remaja[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...