Pokok's Point of View:
"Seryoso! Sigurado ka ba na si Miki ang nakita mo?" ang sabik na sabi ni Mariza nang marinig niya ang balita mula sa akin habang naka-group video call kami ng buong barkada.
"Then if you are so sure na si Miki nga 'yon, what happened? Bakit hindi mo man lang siya hinabol, bakit hinayaan mo na namang mawala sa paningin mo?" ang usisa naman ni Vito na noon ay katabi si Jayson.
"Oo nga anong nangyari at hinayaan mo pang mawala sa paningin mo si Miki, alam mo naman na mas mailap pa siya hanapin sa endangered species na nilalang dito sa mundo." ang sabi naman ni Minyon na katabi si Luiz.
"Alam ko, alam ko, hindi niyo na kailangang ipamukha sa akin na ang bagal ko." ang sabi ko pero sa halip na mairita sa mga sinasabi nila ay hindi ko pa din mapigilan ang pagngiti ko. "Alam ko ang bagal ko pero at least hindi ba alam ko na posibleng magkalapit lang kaming dalawa." ang tugon ko.
"Wow naman, napaka positibo naman ng kaibigan namin. Ipaaalala ko lang sa'yo Pokok, hindi San Isidro ang New York, hindi 'yan isang maliit na bayan, isa 'yang city! Tatagalugin ko, siyudad 'yan my friend, daig mo pa naghanap ng butil ng asin sa sandamukal na dayami." ang sabi ni Mariza.
"Tama si Mariza, hindi mo masasabi Pokok kung magkikita pa kayong ulit ni Miki, kaya hindi namin maiwasan na hindi maasar sa'yo. After ten years nakita mo na siya pero pinalampas mo pa ang pagkakataon." ang sabi naman ni Luiz.
"Anong magagawa ko, nasa gitna ako noon ng pagso-sorry ko sa nabangga ko? Hindi naman ako pinalaki nila nanay at tatay na maging bastos." ang sabi ko bilang tugon.
"Alam namin, ang samin lang sana man lang tinawag mo siya, tulad ng, hoy Miki! Hoy ikaw na basta basta na lang umaalis ng walang paalam! Ganern! Hindi 'yung magbabalita ka sa amin ng, guys nakita ko na siya, nakita ko na siya! Tapos malalaman namin nawala din sa paningin mo kaka-sorry mo sa nabangga mo." ang sabi ni Mariza.
"Alam ko pero hindi magandang balita pa din naman talaga na nakita ko na siya?" ang sabi ko at humigop ako ng kape habang nakatanaw sa labas ng bintana ng aking kwarto.
"Oo na, maganda nang balita, pero ngayon paano mo siya ulit mahahanap?" ang tanong ni Minyong at sandali akong natigilan at napaisip.
"Oh hindi ba hindi mo alam isasagot mo?" ang sabi ni Minyong nang hindi ako makasagot. "Iyan ang sinasabi namin, oo nga totoo na nasa iisang lugar lang kayo pero malaki ang chance na hindi na din kayo magkita ulit." ang dagdag nito.
"Pero guys sisingit lang ako ha? May chance pa naman na magkita sila ulit." ang sabi ni Jayson.
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Mariza.
"Base sa kwento niyo, nagbigay ng clue si Seven paano niyo siya makikita. Ibig sabihin, sikreto kayong tinutulungan ni Seven." ang konklusiyon ni Jayson.
"Hmm, may point si Jayson." ang pagsang-ayon naman ni Vito.
"Anong ibig niyong sabihin?" ang tila naguguluhan pa din ni Mariza. "Kung tinutulungan ni Seven si Pokok, eh bakit kailangan sikreto pa?" ang dagdag na usisa nito.
"Think of it, hindi na pwedeng directly tulungan ni Seven si Pokok dahil before sinabi na ni Seven sa atin ang tungkol sa pag-alis ni Miki noo. Imagine if you were Miki and pinagkatiwalaan ka niya ulit, I guess I will not share anything na ulit na gusto ni Miki na isekreto if I were in Seven's position." ang paliwanag ni Vito.
"Hmm, nakuha ko na. Ibig sabihin gusto tayo tulungan talaga ni Seven, at kung tinutulungan tayo ni Seven maaari kayang alam din niya na ini-stalk natin ang IG posts niya?" ang tanong ni Minyong.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...