Pokok's Point of View:
"Ay oh, ano papanoodin ka na lang namin matulala habang nakangiti? Baka pwede magkwento muna bago ngiti?" ang sabi ni Mariza nang matigilan ako nang maisip ko si Miki. "Ano? Magsasalita o magsasalita?" ang pabiro pang sabi nito.
"Pasensiya na, hindi lang kasi ako makapaniwala. Sinong mag-aakala na magkukrus talaga ang landas namin ni Miki ngayong araw." ang masaya kong sabi at napahiga ako sa kama ko ng masaya habang tintignan ko ang gulat nila at masaya nilang ekspresyon, hanggang sa madinig ko na ang pagtili ni Mariza dahil sa kilig.
"OMG! OMG! Totoo ba 'yan? Hoy Pokok, huwag mo kaming maprank-prank subukan mo lang sabihin na it's a prank mamumura talaga kita." ang pagbabanta ni Mariza.
"Oo nga Pokok, alam namin na sabik ka nang makita ulit si Miki pero 'wag mo kaming paasahin sa prank na 'yan ha." ang dagdag ni Luiz.
"Mga tamang duda guys? Ako magbibiro? 'Pag dating kay Miki ibang usapan na, hindi ako nagbibiro, nagkita kami talaga today. Nakapagkape pa nga kami kanina ng magkasama." ang masaya at may pagmamayabang ko pang sabi.
"OMG! OMG! P*tang in* m* Pokok kinikilig ako. Teka paano kayo nagkita? Magkikita ba ulit kayo? Leche Pokok 'wag kang pabitin, magkwento kang hinayup*k ka!" ang sabi ni Mariza na halos hindi mapigilan ang pagmumura sa sobrang kilig.
"Papasok na ako kanina, naghihintay ako sa subway station hanggang sa hindi niya sinasadya na mabangga niya ako, balak pa nga niya akong takasan ulit no'n pero siyempre hindi na ako pumayag kaya medyo duma-moves na ako. Hinila ko siya palapit sa akin at aksidenteng napayakap siya sa akinkaya niyakap ko na din siya." ang sabi ko.
"Shut* ka Pokok!" ang kilig na kilig na sabi ni Mariza.
"Asus aksidente daw, Pokok alam kong chansing 'yon. Huwag kami." ang pabirong sabi ni Minyong.
"Sira, hindi ah, talagang ayoko lang siyang pakwalan, nabigla na din ako sa nangyari and parang kawatan ko na ang nagkusa na hilahin siya palapit sa akin. Worth it naman, that was the best slow-mo na naranasan ko sa buong buhay ko." ang sabi ko.
"We are happy for you." ang sabi ni Jayson. "Pero teka after that may chance pa ba kayong magkita ulit?" dagdag nitong tanong.
"Oo nga, baka naman 'yan na ang second time na pagkukrus ng landas niyo pero 'yan na din pala ang last." ang sabi naman ni Mariza.
"Hmm actually not. Heto na nga ang kwento..." ang pauna kong sabi, bumangon at umupo ako sa kama ko. "Miki's company is one of our client, at ang swerte ko lang kasi ako ang napili ng kompanya na maghandle ng project para sa company nila Miki, meaning mas madalas kaming magkikita at magkakasama." ang masaya kong sabi.
"OMG! OMG! Ito na yata ang sagot sa mga dasal natin guys! Buti talaga Pokok hindi ka sumuko, hay naku i-push mo na 'yan ha kailangan pagbalik niyo dito sa Pinas kasama mo na 'yang si Miki." ang sabik na sabi ni Mariza.
"Well iyan ang problema, kung dati masungit si Miki, mas masungit siya ngayon, para bang may pader sa pagitan namin, sinubukan ko na ayusin namin ang naudlot naming relationship pero..."
"O don't tell us ngayon ka pa susuko?" ang sabi ni Vito. "We all know kung gaano kaselan at ka-attitude si Miki, pero we all know how softy he really is. I mean Miki always shows as his tough side like he is always been a cold hearted person pero we all know how vulnerable he is, how kind, and how understanding he is. Kakikita niyo pa lang and ikaw naman ang nagsabi na magkakasama kayo sa paggawa niyo ng mga projects, kung nagawa mong bunuin ang sampung taon sa paghihintay at paghahanap sa kanya, how come naman na hindi mo kayanin ang ilang araw, buwan, o taon pa para maging ready naman siya." ang dagdag nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...