Miki's Point of View:
Ikatlong araw ko nang hindi pumapasok sa eskwela, malaki din ang pasasalamat ko kay lola dahil sa hindi niya ako pinipilit na pumasok sa halip ay pilit niyang inuunawa ang pinagdadaanan ko. Para kay lola ang pagkabigo sa pagmamahal ng mga taong nagmahal ng kaparehong kasarian ay walang pinagkaiba sa pagkabigo ng mga nagmamahal ng kasalungat na kasarian, parehong masakit, parehong kailangan ng paghihilom, parehong kailangan ng pagtanggap, at parehong kailangang makabangon at maka-move on.
Nang umaga na 'yon nakikipagtitigan lang ako sa kisame ng kwarto ko nang marinig ko ang magkakasunog na katok kaya napatingin ako sa pinto. "Miki, pinapatanong ni lola mo kung sasabay ka daw ba sa amin na mag-almusal o hahatidan na lang kita?" ang sabi ni yaya Milagros.
"Ate, bababa na lang po ako mamaya, wala pa po akong gana na kumain. Pasabi na lang po kay lola na kapag nakaramdam na lang po ako ng gutom bababa." ang malata kong sabi.
"O sige sasabihin ko na lang sa lola mo." ang tugon ni yaya Milagros. Ilang sandali pa nang makaalis si yaya Milagros ay biglang tumunog ang notification ng cellphone ko, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa side table.
"University of International Businesses..." ang pagbasa ko sa pambungad ng notification, at nang mabasa ko 'yon ay agad kong kinuha ang laptop ko para buksan ang email ko upang mabasa ng mabuti notification na 'yon. Habang hinhintay ko na magbukas ang laptop ko ay may halong kaba ako na nararamdaman, ito na din kasi ang isa pa sa sign na magpapatibay sa napagpasyahan ko.
At nang magbukas na ang laptop ko ay nagdadalawang isip pa akong buksan ang browser, "sana, sana..." ang sambit ko pa at sabay click sa browser, hindi ko alam kung bakit pero parang napakabilis ng internet nang mga sandaling iyon para bang atat na atat na maipabasa sa akin ang resulta ng registration ko sa university na 'yon. Hanggang sa buksan ko na ang email ko at buksan ang message sa akin mula sa University of International Businesses. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nag-loloading pa ang email. "Sana... sana..." ang pagsambit ko sa isang hiling sa aking isipan, at sa pagbukas ko ng aking mata ay napangiti na lang ako nang mapait.
"Nakapasa ako... natanggap ako..." ang sabi ko na hindi makapaniwala sa aking mga nabasa. Sinampal ko pa ang sarili ko no'n upang masiguro na hindi ako namamalikmata. Nang masiguro ko na hindi ako nananaginip o namamalikmata lang ay agad kong tinawagan si mommy.
"Oh anak bakit napatawag ka? Is there any problem?" ang bungad agad na tanong sa akin ni mommy.
"Si mommy talaga, problem agad? Hindi pwedeng na-miss ko lang po kayo?" ang sabi ko bilang pilit na pagbibiro.
"I know you son when you miss us or if you have a problem, tsaka bukod sa mother instinct ko tumawag na din sa akin ang lola mo at nag-aalala na siya sa'yo. Alam na namin na shaky ngayon ang relationship niyo ni Pokok, your lola told us na ilang araw ka nang hindi pumapasok." At nang madinig ko ang boses ni mommy, ramdam ko sa bawat salita niya ang pag-aalala sa akin. "Look son, Miki, no matter what happen magpatuloy man o hindi ang relasyon niyo ni Pokok, ako, ang daddy mo, at ang lola mo, palagi lang kaming narito para sa'yo." ang dagdag ni mommy at hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapaiyak.
"Mom..." ang putol kong sabi.
"Yes anak?"
"Wala na po kami ni Pokok, hindi ko pa nasasabi sa kanya directly pero, I have decided na po na tapusin ko na ang relasyon namin. Mom... pwede po ba sunduin niyo na po ako dito? I do not have plans anymore na umattend ng school." ang sabi ko.
"Miki? What are you saying? I mean, sinasabi mo ba na mag-stop ka na sa studies mo?"
"No mom, hindi po ako mag-stop, I have decided na po kasi na sa New York na mag-study. I know na dapat ipinaalam ko po muna sa inyo ang plan ko na 'to pero alam ko naman po na pipigilan niyo po ako agad kaya I applied sa isa sa mga university na maganda ang standing pagdating sa business management. I am planning to study there para po makatuwang niyo po ako ni daddy, or make my own business someday, or maging isang independent employee somewhere." ang sabi ko habang patuloy pa ding lumuluha.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Novela Juvenil[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...