Pokok's Point of View:
Sinabi ko noon sa huling pag-uusap namin ng mga kaibigan namin ni Miki na may naisip na akong tao na sa tingin kong makakatulong sa akin para magkaayos at makapag-usap kami ni Miki pero ang totoo ay hindi ako sigurado kung talagang tutulungan niya ako. Hindi ko din sigurado sa sarili kong tama ba ang gagawin ko. Halos mag-iisang oras na yata akong nakatitig sa laptop screen ko habang nakabukas ang profile ni Seven, siya ang taong naisip ko na makakatulong sa akin, kung hindi ako nagkakamali si Seven lang din ang pinakamalapit na tao ngayon kay Miki, at kapag iniisip ko 'yon sa halip na selos, ang totoong nararamdaman ko ay inggit. Naiinggit ako kay Seven dahil sa sampung taon na wala si Miki sa tabi siya ang kasama nito, nakakausap, nasasabihan ng mga hinaing, nakakwentuhan, mga bagay na minsan nasasabi ko sa sarili ko na sana ako na lang.
Nagsisimula na akong mag-compose ng message no'n para kay Seven pero tanging nagagawa ko lang ay type at pagkatapos ay burahin din agad. Hindi ako sigurado sa gagawin ko, hindi, ang totoo ay sigurado ako pero natatakot ako na tanggihan ako na tulungan ni Seven. Kaya sa bandang huli pinatay ko ang laptop ko nang hindi nagpapadala ng ano mang message kay Seven.
Nagkikita pa din naman kami ni Miki matapos ang misunderstanding sa pagitan namin nang dahil kay Mikee pero dahil na lang 'yon sa project na pareho naming inaasikaso. Ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin, hindi tulad noong nagkita kaming muli na kahit paano naramdaman ko pa na welcome ako sa buhay niya kahit na sinasabi niyang hindi. Ilang beses ko siyang niyaya na magkape o mag-usap ngunit malamig na tugon ng pagtanggi ang lagi niyang binibigay.
Araw iyon ng Biyernes, kakatapos ko lang sa trabaho noon at agad akong lumabas ng opisina. Sa paglabas ko ay agad akong dumiretso sa coffee shop sa tapat lang nito. Pagpasok ko dito ay agad akong binati ng barista nito dahil na din sa naging regular na akong customer ng shop na iyon. Habang nagkakape ay hindi ko maialis sa isipan ko si Miki, kaya naman naisipan ko na subukang tawagan siya para makipagkita sa akin at ang gagamitin ko na lang na rason ay tungkol ito sa project na gagawin namin kahit na ang totoo ay nais kong magpaliwanag sa kanya.
Sinimulan ko nang tawagan si Miki noon, nagri-ring ngunit hindi niya sinasagot, nakailang beses akong sumubok at sa ikalabinglimang beses, ang huling subok ko, matagal na puro ring lang din ang aking nadinig at nang magpasya na akong ibaba ang tawag ay nadinig ko ang boses niya.
"Hello?"
"Miki? Hi?" ang tangi kong nasabi dahil sa saya ko na sinagot niya.
"I will drop this call now." ang agad naman na tugon niya na ikinataranta ko.
"W-w-wait, sandali lang, huwag mo munang ibaba, tumawag ako kasi may gusto akong pag-usapan tungkol sa project natin. Maaari ba tayong magkita ngayon?" ang sabi ko.
"Sabihin mo na lang ngayon, kung may files na kailangan kong tignan ay i-send mo na lang sa gmail ko." ang tugon niya na halatang umiiwas talaga siya na makipagkita sa akin.
"Ano, ano kasi mas madaling ipaliwang sana kung personal." ang tugon ko.
"Gano'n ba? Sa Monday na lang, tapos na ang oras ng trabaho ko no reason for me to meet you now dahil wala namang bayad ang extra effort. At tsaka I am busy with some personal stuff so please don't call me again if labas na sa working hours." ang sabi nito sa akin at bago pa ako makatugon ay binabaan na niya ako. At nang sandaling 'yon ay sobrang nanlata ako hanggang sa umabot na ako sa punto ng pagkadesperado.
Agad kong binuksan ang IG app ko at hinanap si Seven, nang makita ko na siya ay walang pagdadalawang isip na akong nag-send ng message sa kanya. Walang intro-intro, direct to the point, at sinsero na nakiusap sa kanya. Nang ma-send ko ang message ko sa kanya ay tinitigan ko ang phone screen ko, naghihintay kung isi-seen niya ang message ko at kung magre-response siya dito.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...