Minyong's Point of View:
"Parang ang nakakabagot ng sobra ang lahat ng nagdaang araw." ang sabi ko sabay buntong hininga at dumukdok sa mesa. Nasa mini park kami noon ng eskwelahang pinapasukan namin at halos kumpleto na sana ang barkada pero wala si Miki at hindi na din namin maiwasang hindi mag-alala sa kanya dahil sa pangatlong araw na niya 'tong hindi pumapasok. Kami na lang ang nagdahilan sa mga guro namin na may sakit siya para ma-excuse.
"Anong parang, nakakabagot talaga." ang sabi ni Luiz at dumukdok din siya sa mesa at tumingin sa akin.
"Wala ba talagang nakakaalam sa inyo sa kung ano ang nangyayari kay Miki?" ang tanong ni Mariza.
"Anong nangyayari kay Miki? O mas tamang itanong kung anong nangyayari kila Miki at Pokok?" ang sabi ni Vito at lahat kami ay napatingin noon kay Pokok, at si Pokok naman ay parang walang nadinig dahil sa ang layo ng tanaw nito at parang napakalalim ng iniisip.
"Aw sabaw." ang nasabi ni Mariza na ang tinutukoy ay si Pokok na hindi man lang kami pinansin. Kaya wala akong ginawa kundi sikuhin siya.
"Oh bakit?"
"Bakit mo mukha mo. Tinatanong ka namin kung ano na bang nangyayari sa inyo ni Miki. Pakiramdam kasi namin malala na problema niyo." ang sabi ko. "Problema niyong sinumulan mo sa pagtatampo mo na nauwi sa misunderstanding niyo." ang dagdag ko.
"Bakit parang ako na naman ang may kasalanan? Hindi ba dapat itong 'yang si Seven ang sisihin?" ang sabi ni Pokok na tila hindi na nakapagtimpi at inilabas na niya ang pagkainis kay Seven.
"Ako? Why suddenly you are blaming me?" ang gulat namang sabi ni Seven na kanina'y tahimik lang nakikinig sa usapan namin.
"Pokok, kalma ka lang, parang mali naman yata na isisi mo dito kay Seven ang nangyayari sa inyo ni Miki." ang pag-awat ni Jayson.
"Bakit totoo naman ha, siya ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito ngayon ni Miki." ang pagdidiin ni Pokok. "At ikaw 'wag mo kong ma-English-English diyan." ang sabi pa niya kay Seven.
"Pokok, pwede kumalma ka lang? Tinatanong ka lang namin kung ano na nangyayari sa inyo hindi mo kailangang maging defensive, hindi mo din kailangan sisihin itong si Seven. Hindi namin sinasabi na ikaw lang ang may kasalanan, we all know even si Miki is at fault. Ang gusto naming i-point out is 'yung isang bagay na dapat matagal niyo nang naayos ay lumala lang dahil sa misunderstanding at lost of communication niyo." ang sabi ni Vito.
"Tama si Vito, Pokok, hindi ka naman ganyan dati, anong nangyari sa'yo?" ang tanong ko sa kanya dahil bilang matalik na kaibigan ni Pokok ay kitang kita ko ang laki ng pinagbago niya.
"Pokok, sorry if you felt na na-bypass kita. Pero seriously and honestly, wala akong balak na agawin si Miki sa'yo. Yes, aaminin ko, Miki caught my interest noong unang beses ko pa lang siya nakita at nakilala, pero on the moment na sinabi mo na you and Miki are in a relationship, I always put a line between me and Miki kasi ginagalang ko ang relationship niyo." ang sabi ni Seven bilang pag-amin na din sa nararamdaman niya para kay Miki. "Pero look at you now? I cannot even see that guy na laging binabakuran si Miki kapag nakikita ako na kinakausap siya. Look at yourself now, when Miki tried his best to win you back dahil sa hindi niyo pagkakaunawaan nang minsang magpasama ako sa kanya maglibot anong ginawa mo? I sincerely apologize for it pero is that an enough reason para balewalain mo na lang din ang feelings ni Miki?" ang dagdag ni Seven.
"Balewalain? Kailan ko binalewala ang pakiramdam ni Miki?"
"Yes you did." ang matigas na sabi ni Seven na tila nagtitimpi na lang.
"Anong sabi mo?" ang naiinis na sabi ni Pokok.
"Tama naman siya Pokok, binalewal mo si Miki. Alam mo, napagtanto naman na ni Miki 'yung mali niya at sinusubukan niya noon na bumawi sa'yo pero parang bigla kang nagbago, sorry ha? Hindi man namin alam ang buong istorya ng tampuhan niyo dahil wala namang nagkukwento sa amin ni isa sa inyo pero 'yun ang totoo Pokok, kung pakiramdam mo nabalewala ni Miki ang nararamdaman mo, sasabihin ko na gano'n ka din naman sa kanya." ang sabi ni Mariza. "Natatandaan mo ba noong minsang magdala si Miki ng napakadaming pagkain? Halos lahat 'yon 'di ba mga paborito mo, lalo na 'yung kare-kare? Niluto niya lahat 'yon para sa'yo excited pa siya na ibigay niya sa'yo 'yung mga 'yon kaso 'yun nga bago pa niya maibigay sa'yo ang pinagpaguran niya ay dumating sila Mikee, tapos noong kumakain na ay nakita niya na sarap na sarap ka pa sa niluto ni Mikee." ang dagdag na sabi ni Mariza at nakita namin ang pagkabigla ni Pokok.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...