Kero-Kero 07

165 18 15
                                    

Miki's Point of View:

"Sure ka okay ka lang?" ang biglang sabi ni Mariza habang bumabiyahe ang tricycle na sinasakyan namin, siya kasi ang kasabay ko habang nagpasya namang magsama-sama sila Minyong, Luiz, Vito, at Jayson sa iisang tricycle.

"Oo naman okay lang ako, bakit naman hindi ako magiging okay?" ang tugon ko.

"Teka pagkain ba 'yang dala mo sa paper na 'yan, kanina pa kasi ako nakakaamoy ng masarap." ang usisa ni Mariza.

"Ah oo, bibigay ko kay Pokok para mamayang lunch."

"Ah kaya pala pinauna mo na siya at sumabay ka na sa amin kasi pinagluto mo pa pala siya. Ang tamis lang, inggit much, sana may maipagluto din ako. Naku tiyak na pagnakita ko ang para sakin bubusugin ko siya sa mga specialty ko na adobong palaka, adobong igat, adobong kamaro." ang sabi ni Mariza na medyo may pagka-exotic pala ang food specialty. Sinakyan ko na lang siya sa trip niya na pag-usapan noon para hindi na din siya mag-usisa pa, sapat nang iniisip niyang itong inihanda kong pagkain ang dahilan bakit hindi kami nagsabay na pumasok ni Pokok.

Nang makarating kami ng eskwelahan ay agad na din kaming dumiretso sa college department building namin, hindi na din kasi kami pwedeng magsayang ng oras at halos labing limang minuto na lang ay magsisimula na din ang unang klase namin para sa araw na 'yon.

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom ay agad kong hinanap si Pokok at agad ko din naman siyang nakita sa bahagi ng classroom kung saan ay madalas din kaming pumwesto kasama ng mga kaibigan namin.

"Good morning." ang agad kong bati kay Pokok at iniayos ko ang bag ko sa upuan ko sa tabi niya.

"Good morning din." ang tugon niya sa akin sa malamig na tono, kaya alam ko agad na may tampo pa ito sa akin.

"Ah siya nga pala..."

"Good morning Pokok!" ang biglang sabad ng kaklase naming si Peter na isa din sa mga kaibigan ni Mikee. Nais ko sanang iabot na sa kanya ang paperbag ng pagkain para makipag-ayos kaso eksenadora ang Peter.

"Uy good morning naman." ang tugon ni Pokok dito dahilan para bahagyang mapataas ang kilay ko habang ang mga kaibigan namin ay napatingin na lang dahil tila lahat kami ay hindi alam na close pala sila ni Peter.

"Pasensya na kung bigla akong umeksena ha?" ang paghingi ng paumanhin ni Peter.

"Ah hindi, ayos lang, hindi pa naman nagsisimula ang klase. May kailangan ka ba?" ang sabi ni Pokok dahilan para gumuhit ang ngiti sa labi ni Peter.

"Actually hindi ako ang may kailangan sa'yo, si Mikee kaso nahihiyang lumapit. Wait lang ha?" ang sabi ni Peter, at agad itong umalis at hinila si Mikee mula sa upuan nito, napansin ko na tila tumatanggi pa si Mikee pero wala na din itong nagawa kundi magpahila sa kaibigan niya. Nang makita ko pa lang 'yon ay para akong nakaramdam ng kakaibang pagkulo ng dugo pero mas pinili ko na magtimpi dahil na din sa hindi pa namin naaayos ni Pokok ang tampo niya sa akin, at ayoko na dagdagan pa 'yon.

"Sige na ibigay mo na 'yung ibibigay mo kay Pokok. Sayang naman ang effort mo kung hindi mo ibibigay 'yan." ang pagpilit ni Peter at pwersahan niyang iniharap si Mikee kay Pokok.

"Pa-pa-pasensiya na..." ang tila kinakabahan na sabi ni Mikee at napansin ko na napatingin siya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Ano- ano-a-ano kasi." ang halos utal na nitong sabi dahil sa kaba.

"Susmaryosep Mikee, kailangan talaga nauutal?" ang sabi ni Peter, habang si Pokok naman ay tahimik lang at tila naghihintay sa sasabihin ni Mikee sa kanya.

"Pasensiya, ano, kasi gusto ko lang na ibigay sana 'to sa'yo." ang sabi ni Mikee at mabilis niyang iniabot ang paper bag na hawak niya. At nabigla sa ginawa niyang iyon, maging ang mga kaibigan namin ay hindi din naiwasan na mabigla at nakita ko din sa ekspresyon ni Pokok na hindi niya inaasahan 'yon.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon