Kero-Kero 06

158 20 9
                                    

Miki's Point of View:

Gabi na nang makauwi ako ng bahay, galing ako kila Pokok noon para sana makausap ko siya tungkol sa nangyari kanina pero mauuna pa yatang pumuti ang uwak at umitim ang mga tagak pero walang Pokok ang nagpakita sa akin. Wala siya sa bahay nila at hindi alam nila tito at tita kung saan 'to nagpunta.

Si Yaya Milagros ang siyang nagbukas ng pintuan para sa akin nang dumating ako. "Oh ginabi ka na yata, hinatid ka ba ni Pokok?" ang agad na bungad sa akin ni yaya pero hindi ko agad ito tinugon. "Kanina ka pa hinahanap sa akin ng lola mo, tinawagan ka pero naiwan mo naman pala sa kwarto mo 'yung cellphone mo." ang dagdag nito.

"Pasensiya na po, galing po ako kila Pokok pero hindi na po ako nagpahatid." ang tugon ko at pumasok ako ng bahay at nang makapasok ako ay isinara naman agad ni Yaya Milagros ang pinto.

"Eh 'yung kaklase mong dumating nakauwi na din ba?" ang tanong nito. "Tsaka naghapunan ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain mo." ang dagdag nito.

"Opo nakauwi na po si Seven kanina pa bago po ako magpunta kila Pokok." ang una kong tugon. "Tsaka busog naman po ako ngayon kaya 'wag na po kayo mag-abala, magpahinga na din po kayo." ang sabi ko at pilit akong ngumiti kay Yaya Milagros pero nabigla ako nang salatin niya ang noo at leeg ko.

"Yes Yaya? Ano ang problema bakit kailangang salatin ang noo at leeg ko?" ang tanong ko sa kanya.

"Maayos ka naman, hindi ka naman nilalagnat pero ang tamlay mo."

"Po?" ang nabigla kong sabi.

"Ang sabi ko parang ang tamlay mo madalas kasi masigla kang uuwi kapag galing ka kila Pokok o kaya naman ay manggagaling dito si Pokok, pero ngayon iba ka, kumbaga sa sinaing malata ka ngayon." ang sabi ni Yaya.

"Ah, hindi po, kayo talaga, he-he-he." ang pilit kong pagdepensa. "Napagod lang po ako sa pag-tour ko sa kaklase ko, bago lang po kasi siya dito sa lugar, alam niyo na po parang ako lang noong unang dating naninibago. Manilenyo din po kasi 'yon tulad ko kaya inintroduce ko lang siya sa ganda ng lugar." ang sabi ko bilang pagsisinungaling.

"Hmm, gano'n ba..." ang tila duda pang tugon ni Yaya Milagros.

"Si lola po pala?" ang tanong ko para maiba na ang usapan namin.

"Ah nagpapahinga na sa kwarto niya, pero sa tingin ko naman ay gising pa siya dahil kakaakyat niya lang din halos." ang tugon ni Yaya Milagros.

"Ganoon po ba, sige po salamat po, magpahinga na din po kayo, aakyat na rin po, salamat po sa pagbubukas ng pinto." ang sabi ko at nakangiting tumango sa akin si yaya.

Pag-akyat ko sa second floor ng bahay ay dumiretso ako sa tapat ng kwarto ni lola, nakatayo lang ako doon at nag-iisip kung kakatukin ko ba ang pinto niya o mas mabuting dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Pero ang lungkot ko nang mga sandaling iyon, gusto ko ng makakausap, at kung hindi si Pokok, kung hindi si mom at dad, si Lola Veron ang sigurado akong maiintindihan ako at makikinig sa akin.

Inilapat ko ang tainga ko sa pinto ng kwarto ni Lola Veron, at tulad ng sabi ni Yaya Milagros ay gising pa nga ito. Nasabi ko iyon dahil na din sa tumutugtog pa ang paborito nitong kundiman at nadidinig ko siyang sinasabayan niya ito. Ayoko man na istorbohin siya ay kumatok na ako ng ilang beses.

Kakatok pa sana ako nang biglang bumukas ang kanyang pinto. "Oh apo, ikaw pala 'yan, akala ko'y si Milagros. Ginabi ka na yata masiyado? Nakapaghapunan ka na ba?" ang tanong ni lola na halos katulad ng mga tanong ni Yaya Milagros sa akin kanina, pero sa halip na tumugon ako kay lola ay agad ko siyang niyakap, pero hindi siya nabigla sa ginawa kong 'yon sa halip ay niyakap niya din ako at tinapiktapik ang aking likod.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon