Kero-Kero 19

169 18 2
                                    

Miki's Point of View:

"Araaaaaaayyyyy!" iyan ang agad kong nadinig matapos kung pinungpino na kurutin sa kanyang tagiliran ang lalaking walang habas na hinila ako dahilan para matapon ang kape ko at pagkatapos ay yakapin ako at ipadinig sa akin kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya. At nang mas pinuhin ko pa ang pagkurot sa kanya ay doon lang siya bumitaw sa akin. Si Pokok, hindi ko inaasahan na magkukrus na ang landas namin dito, matapos ko siyang taguan I still end up in front of him.

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" ang tanong niya sa akin nang bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin habang pinagtitinginan kami ng mga taong naroon.

"Eh bakit hindi? Yayakapin mo na lang basta basta in a middle of nowhere?" ang pagsusungit ko sa kanya.

"Nowhere? Nandito lang tayo sa subway. Tsaka hindi ba pwedeng niyakap lang kita kasi miss na miss na kita?" ang masaya niyang sabi, at sa sobrang saya niya ay hindi niya magawang maitago ang mga ngiti niya. At habang tinititigan ko siya napansin ko ang laki ng pinagbago niya pero kahit ganoon nakikita ko pa din sa kanya 'yung dating siya.

"Oh ano? Natulala ka na diyan?" ang sabi niya.

"Natulala mo mukha mo, alam mo ikaw..."

"Ano?"

"Alam mo, alam mo, alam mo nandyan na 'yung tren, papasok na ko." ang sabi ko sa kanya dahil hindi ako makaisip ng pwede kong sabihin sa kanya. Sa paghinto ng tren ay agad akong pumasok at agad naman din siyang pumasok.

"Excuse me? Kailangan sumunod ka talaga?" ang usisa ko sa kanya.

"Bakit sasakay din ako, I even come first bago ka dumating." ang tugon niya sa akin, at napansin ko na hindi na siya awkward magsalita ng English.

"Whatever!" ang pagsusungit ko.

"Kung makapagsungit ka parang..."

"Parang hindi hindi tayo magkakilala? Parang hindi naging tayo?" ang agad kong sabi at tumango siya sa akin bilang tugon. "First of all Pokok, I moved here para makalayo sa'yo at hindi mapalapit, second, I moved here para makalimutan ka, at lastly wala nang tayo kaya siguro naman I have a choice kung kakausapin pa kita o hindi na 'di ba?" ang tugon ko sa kanya pero sa halip na mabahag ang buntot niya ay ngumiti pa siya sa akin.

"Well kung iyan ang rason mo I respect it, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na una, I moved here kasi alam kong lumalayo ka sa akin kaya heto ako ngayon lumalapit sa'yo, second alam kong hindi mo pa ako nakakalimutan kasi ultimo pangalan ko tanda mo pa, at ikatlo oo wala na nga siguro 'yung tayo, dati, pero pwede namang magsimula muli tayo ng panibagong tayo." ang sabi ko.

"Ha-ha-ha, funny, with all fairness nakatulong pag-move mo dito sa New York para mag-improve sense of humor mo." ang sabi ko.

"At least mukhang nagustuhan mo naman." ang sabi niya at tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ilang sandali pa ay mas pinili ko na lang hindi kumibo at mukhang nakatulong naman kasi hindi na din kumibo ang impakto. Hanggang sa dumating na 'yung tren sa istasyon kung saan ako bababa, ngunit sa paghinto nito ay nawalan naman ako ng pambalanse at mabilis akong hinila ni Pokok palapit sa kanya dahilan para mapayakap ako sa kanya.

"Ayos ka lang?" ang sabi niya pero sa halip na tumugon ay napapatitig lang ako sa kanya. At nang bumalik ako sa wisyo ay mahina ko siyang itinulak para makakalas pagkakayakap sa kanya.

"Thank you." ang sabi ko at mabilis akong lumabas ng tren, at sa paglabas ko ay sandali akong huminto at nang lingunin ko muli ang tren ay umandar na ito, at wala na akong nagawa kundi sundan na lang iyon ng tingin.

"Sino tinitignan mo sa tren?" ang tanong sa akin.

"Wala may kaki..." ang hindi ko na natuloy sabihin dahil nakita ko si Pokok na nasa tabi ko noon at nakikitanaw sa tren.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon