Miki's Point of View:
"Seryoso mom? Magpupunta po kayo sa US?" ang gulat kong tanong kay mommy habang nakadapa ako sa aking kama at kausap ko siya sa phone. Ibinalita kasi ni mommy sa akin ang nalalapit nilang pagpunta sa United States sa taong ito para sa business ni trip ni daddy.
"Yes, your dad is actually want me to keep this from you, surpresa sana namin sayo pero hindi ko din matiis na ipaalam na sa'yo ang tungkol dito. Alam naman namin how much you love na magbakasyon somewhere else last time instead na siyan sa Nueva Ecija, sa lola mo, kaya naman we thought na isama ka. And don't worry dahil matatapat naman sa Semestral Break niyo ang pag-alis natin, sounds great 'di ba?" ang sabik at masayang sabi ni mommy at hindi ko din maiwasang hindi ma-excite pero at that time parang half-hearted ako, dahil since na mag-stay ako dito sa Nueva Ecija parang ito na 'yung naging comfort zone ko. Totoo 'yung sabi nila na sa umpisa aayawan mo ang buhay sa probinsiya pero kapag nasanay ka at na-appreciate mo 'yung simple o sabihin na nating mapayapang pamumuhay kumpara sa kalakhang Maynila ikaw na mismo ang aayaw na umalis.
"Oh anak hindi ka na nagsalita diyan?" ang sabi ni mommy dahil sa napatulala ako sa pag-iisip ko at hindi na nakatugon sa kanya.
"Ah, sorry mom, pero pwede ko bang pag-isipan muna kung sasama ako sa inyo ni daddy?" ang tanong ko at at mula sa padapa kong posisyon ay nahiga ako ng maayos sa kama ko.
"Oh bakit? Hmm, hulaan ko hindi mo maiwan si Pokok, ang mga kaibigan, at ang lola Veron mo diyan 'no?" ang tugon ni mommy bilang paghula sa dahilan ko bakit ako nagdadalawang isip na sumama sa kanila.
Tumango ako kahit alam kong hindi naman ako nakikita ni mommy. "Parang gano'n na nga po mom, gusto ko kayong makasama sa bakasyon pero there is something po kasi na pumipigil sa akin or making me half-hearted... alam niyo po 'yung gusto ko sumama na ayaw ko sumama..." ang sabi ko na kahit ako ay nalito na sa ano ba talaga ang gusto kong sabihin. Nang masabi ko 'yon ay nadinig ko na tumawa si mommy.
"Ha-ha-ha, I know na 'yan ang sasabihin mo, actually me and your dad expect it na mahihirapan ka mag-decide. Don't worry anak, you have a lot of time pa naman to think kung sasama ka o hindi, no need to pressure yourself. Tsaka kung ano man ang magiging pasya mo ay ayos lang sa amin dahil either way, sumama ka sa amin o spend your Semestral Break diyan, we know na magiging masaya ka and your happiness is our number priority ng dad. Though we do not want you to be spoiled at all as we want you to grow more responsible especially in decision making." ang sabi ni mommy at hindi ko naiwasan na hindi mapangiti sa mga sinabi niya.
"Thank you mom, I love you po, and pasabi din kay dad na I love him and thank you." ang may lambing kong sabi.
"Don't worry po mom, once na nakapag-decide na ko, sasabihin ko po sa inyo agad." ang sabi ko.
"Sure anak, we will wait for your decision, pero we will make sure na ready na din lahat just in case na sumama ka sa amin sa bakasyon." ang sabi ni mommy. Matapos 'yon ay nagpaalam na ako kay mommy at ibinaba ko na ang tawag.
"U.S." ang sabi ko habang nakatulala sa kisame. Magmumunimuni sana ako noon nang biglang madinig ko ang pagkatok sa pinto ko.
"Miki? May bisita ka sa baba, kaklase mo daw siya." ang sabi ni Yaya Milagros matapos niyang kumatok ng apat na magkakasunod. Agad naman akong napabangon at napaisip sa kung sino ang bisita na sinasabi ni Yaya Milagros.
Bumaba ako sa kama ko at tinungo ko ang pinto, binuksan ko 'yon at agad na bumungad sa akin si Yaya Milagros. "Ay bongga! Saan ang gora natin ate?" ang tanong ko nang makita ko na maayos na maayos with matching foundation day pa si Yaya Milagros.
"Pasaway ka talaga, inutusan lang ako ni lola mo na pumunta ng bayan para mamili ng mga kulang dito sa bahay, eh magpapahatid at magpapasama din ako kay Tonyo para may makatulong ako sa mga bibilhin ko." ang tugon ni Yaya Milagros na halatang may kilig pa.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...