Kero-Kero 11

163 20 16
                                    

Miki's Point of View:

Mabilis lumilipas ang mga araw ngunit hindi ang tampuhan namin ni Pokok sa isa't isa. Mas pinili ko ang dumistansya sa kanya, mas pinili kong manahimik na lang sa tuwing magsasalita siya, at tulad ko ay ganoon din siya. Nasa punto ako na gusto kong magpakumbaba dahil alam ko nasaktan ko din naman siya pero hindi ko magawa dahil hindi ko maiwasang sumama ang loob ko dahil pakiramdam ko ay may naipalit na siya sa akin, si Mikee.

Araw 'yon ng Sabado, ikadalawapu't walo ng Hunyo, ang araw na sobra kong pinakahihintay noong bakasyon kasi ito sana ang first monthsary namin ni Pokok, pero mukhang walang selebrasyong magaganap. Nasa garden ako sa likod bahay noon, nakaupo sa tabi ng mga rosas na alagang alaga ni lola, nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa pulang pula na rosas na malapit sa akin na halos halikan ko na. "First monthsary, ni tawag, ni text, wala. Nakakainis pala 'yung ganito." ang sabi ko na ang kinakausap ay ang rosas na pula. "Alam ko naman na nasaktan ko siya, ready na nga ako mag-sorry no'n, gusto ko naman magkaayos kami, pero pakiramdam ko kasi ayaw na din niya." ang dagdag kong sabi.

"Pero humingi naman na ako ng sign para sa araw na 'to, kapag nangyari 'yung sign na 'yon may mapagpapasyahan na 'kong kailangan kong panindigan." ang sabi ko na kausap pa din ang rosas.

"Sign? Pagpapasya?" ang nadinig kong sabi at napalingon na lang ako at agad na bumungad sa akin ang mukha nila Minyong at Luiz. Sa sobrang pag-e-emote ko ay hindi ko na sila napansin na dumating.

"Kanina pa kayo diyan?" ang usisa ko.

"Hindi naman, kararating lang namin, siguro doon sa parte na may sign at pagpapasya? Teka, ano ba 'yun? Tsaka bakit kinakausap mo 'yang rosas?" ang tugon ni Luiz.

"Ah 'yon? Wala 'yun ganito ako 'pag bagot medyo nababaliw kinakausap pati mga bagay." ang agad kong pagdadahilan.

"Hindi pa din ba kayo nag-uusap? Ang tagal na niyang tampuhan niyo ah?" ang usisa ni Minyong. "Gusto mo ba tulungan na kita na magkausap kayo?" ang dagdag pa nitong alok.

"Ha? Naku 'wag na, busy din 'yon tulad natin, tsaka kung ayaw niya akong kausapin eh di 'wag hindi ko naman siguro ikamamatay kung hindi niya ako kausapin." ang puni nang pagpapanggap kong sabi dahil mas gusto ko na magkusa si Pokok at hindi dahil napilit lang siya.

"Tsaka hindi naman si Pokok ang topic natin dito, nandito tayo para sa group project, pero nasaan na ba si Seven?" ang sabi ko nang mapansin ko na si Seven na lang ang kulang sa grupo namin. At ilang minuto lang matapos ko siyang hanapin ay siya namang dating niya.

"Sorry, sorry kung late ako guys. May inasikaso pa kasi sa bahay." ang paghingi ni Seven ng paumanhin at pagbibigay ng rason.

"Ayos lang, at least ikaw nandito agad kapag hinanap." ang bigla kong nasabi at sabay namang napatingin sa akin sila Minyong at Luiz na tila ba may pagdududa.

"I guess we better start?" ang biglang sabi ni Seven na parang iniligtas ako sa posibleng pang-uusisa ng dalawang secret lovers.

Niyaya ko na sila sa sala noon, nagpahanda na din si lola Veron kay yaya Milagros ng makakain namin habang abala kami sa pagpaplano at pagre-research ng gagawin naming project para sa Chemistry subject. Magkatulong kami noon ni Seven na mag-research gamit ang laptop habang sila Minyong at Luiz naman gamit ang tablet.

Nasa kalagitnaan kami ng diskusyon noon sa kung ano ang isasama namin sa project at hindi sa mga kasalukuyang nahanap namin noon nang madinig namin na may nag-doorbell. Napatingin pa ako noon kay Minyong dahil iniisip ko noon na baka si Pokok ang dumating. Agad namang pinagbuksan ni yaya Milagros ng pinto ang dumating at hindi si Pokok ang dumating kundi ang grupo nila Mariza, Vito, Jayson, at Gio.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon