Miki's Point of View:
Nakahiga ako noon sa kama ko nang gabing iyon, hindi mawala sa isip ko si Pokok noon. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot, pagka-guilty, at takot pero sa tuwing naiisip ko 'yung sandaling nakasalubong namin siya ni Carl noon at basang basa siya ng ulan, at alam kong umiiyak siya noon, pero higit doon nakaramdam ako ng tila pagbabago sa kanya, para bang ang lapit namin sa isa't isa noong oras na 'yon pero pakiramdam ko ang layo ng distansya sa pagitan namin.
"Miki, napaparanoid ka lang." ang sabi ko sa sarili ko sabay biglang bangon. Hanggang sa mapatingin ako sa cellphone ko na nasa side table at dali-dali ko 'tong kinuha. Agad kong binuksan ang lahat ng social media apps ko at nang tignan ko ang mga list ng mga naka-block sa akin ay hindi ko na makita ang account ni Pokok.
"Ano 'to? Naka-block ba ako sa kanya?" ang tanong ko pero dahil hindi pa din ako mapalagay ay sinubukan ko na tawagan na siya at kung sumagot siya ay sasabihin ko na lang na na-wrong dial lang ako. Pero sa unang dial ko pa lang ay cannot be reached na agad ang number ni Pokok hanggang sa madinig ko ang message notification ko sa messenger kaya agad ko iyon na tinignan.
"Miki, alam kong hindi pa kayo in good terms ni Pokok pero pwede bang malaman kung nagkita kayo ngayon?" ang tanong ni Mariza.
"Kahapon oo. Ngayong araw hindi, bakit mo natanong?" ang tugon ko naman.
"Ah gano'n ba sige salamat. Wala naman natanong ko lang napansin kasi namin naka-deactivate lahat ng account niya medyo nag-worry lang kami pero sinabi mo naman na nagkita kayo kahapon kaya okay na." ang sabi ni Mariza kasunod ang isang smiling emoji at hindi na ako nag-response pa.
Matapos 'yon ay pababalikbalik akong naglakad sa kwarto ko habang pilit na iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Hanggang sa biglang nag-ring ang cellphone ko na sa gulat ko ay muntik ko pang maibagsak.
"Hello?" ang agad kong bungad ng sagutin ko ang tawag.
"Free ka ba ngayon? Let's have dinner together." ang sabi ng nasa kabilang linya, si Seven.
"Sure, saan ba? Mag-prepare lang ako." ang sabi ko naman.
"Hmm kahit malapit na lang diyan sa condo mo. I am on my way na din naman papunta diyan and hintayin na lang kita sa lobby if in any case hindi ka pa makagayak agad." ang sabi niya na sinang-ayunan ko naman.
Pagkababa ng tawag ni Seven ay pinilit ko munang alisin si Pokok sa isip ko, inisip ko na lang na napapapraning lang talaga ako noong mga sandaling iyon. At nang kumalmakalma na ako ay doon na ako nagsimulang mag-prepare.
Sa pagbaba ko sa lobby ng condo building ay agad ko nang natanaw si Seven na nakaupo sa couch. Agad ko siyang nilapitan at niyakap namin ang isa't isa bilang pagbati. "Anong meron bakit parang biglaan naman 'tong pagyaya mo ng dinner?" ang tanong ko sa kanya.
"I will tell you everything later once we start eating, medyo nagugutom na din kasi ako." ang sabi niya at sumang-ayon naman ako. Sa paglabas namin ng condo building ay hindi ko inaasahan na makakasalubong namin si Mikee na kapansin pansing hindi kasama si Peter.
"Hindi ba't si Mikee 'yon?" ang sabi ni Seven nang mamukhaan niya si Mikee na nakakapagtaka din na hindi man lang kami tinignan at nagdirediretso lang papasok ng building. Bilang tugon kay Seven ay tumango na lamang ako sa kanya.
"Then it means..."
"Don't worry hindi naman nila ako ginugulo, let's just leave them alone." ang sabi ko.
"Them?"
"Hay naku Seven, tara na kumain na lang tayo." ang aya ko sa kanya dahil mukhang maghahalungkat na naman siya ng kung ano-ano tungkol sa kaganapan sa akin dahil lang nakita niya si Mikee.
BINABASA MO ANG
Panget Ko!
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito. Pero minsan sa sobrang daming nakahalong sangkap ang sana'y masarap na pagkain ay nagiging nakakau...