Chapter 21

1.7K 64 54
                                    

Joseph's Pov

Pinagkatitigan ko ang babae sa harap ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kamukhang kamukha siya ni Jordan.

"Pwede bang pakiulit ang sinabi mo. Wala kasi kaming naintindihan." sabi ni Oliver. Nasa opisina kasi kami ni Oliver at kaharap ang babae na naghahanap kay Jordan.

"Alam nyo, nakakapagod din ang mag explain sa inyo. Sige uulitin ko pero sa isang kondisyon, dadalhin mo agad ako sa ate ko." sabi sa akin ng babae.

"Sige deal. Sige kwento ka na miss. Teka ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Oliver. Hindi rin siya excited noh. Imbes na ako ang sumagot sa babae na ito eh si Oliver ang nangungunang sumagot.

"Ako nga pala si Jenny Avheria. Kapatid ko si ate Jordan." pakilala nya.

"Paano nangyari yun?" tanong ni Oliver. Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na si Oliver.

"Pwede bang patapusin mo si Jenny o papalabasin kita." sabi ko.

"Oo na papatapusin ko na. Teka bakit mo ako papalabasin eh opisina ko to. Ako kaya mayor dito." napailing na lang ako sa sinabi ni Oliver.

"Sige Jenny pagpatuloy mo na." sabi ko.

"Nuong ipinanganak ako ni Mama ay biglang nasunog ang ospital na pinag anakan sa akin. Sabi ni mama nakaprivate room kami nuon at duon din natutulog sina papa at ate. Naalimpungatan daw si papa dahil sa naaamoy nyang usok. Kaya dali dali nyang ginising sina mama at ate at lumabas kasama ako. Nang makalabas daw kami ay napansin nila na nawawala si ate. Bata pa si ate mga walong taong gulang sya nuon. Simula nuon ay wala na kaming balita kay ate. Walang tigil sa paghahanap sina mama at papa. Lahat ginawa nila para mahanap si ate. Namatay sina mama at papa nung nakaraang taon dahil sa isang aksidente dahil napag alaman ni papa na ang taong kumuha kay ate ay ang kabusiness partner nya. Nakakulong na ito at sinabi nga na iniwan ng asawa nya si ate sa kinilalang magulang ni ate. Binabayaran daw ng asawa nya buwan buwan ang naging magulang ni ate Jordan. Ngayong umamin na sila ay nagmadali akong pumunta dito sa mayor's office dahil sabi ay kaibigan nito si ate. Ngayon asan na ang ate ko?" tanong ng babae.

"Dadalhin kita sa ate mo pero hindi mo pa siya makakausap ng maayos." sabi ko.

"Ano? Pero bakit?" tanong nya.

"Maraming masasamang bagay ang nangyari sa ate mo. Lalo na ang pagkamatay ng mga kinilala nyang mga kapatid. Kaya nagkaroon ng sakit ang ate mo at unti unting isinara ang sarili nya sa realidad. Ipapaliwanag kong mabuti sayo pagpunta natin ng ospital." malungkot na sabi ko.

"Ang kawawa kong ate..... Bakit siya nasa ospital? Malala ba? Okay lang ba ang ate ko?" umiiyak na tanong ni Jenny.

"Ayos na ang kalagayan ng ate mo. Kaya siya nasa ospital ay para maalagaan mabuti ang ate mo. Isa pa ay maselan ang pagbubuntis ng ate mo." sabi ko.

"Omg! Magkakapamangkin na ako! Kuya samahan mo na ako sa ate ko at ipaliwanag mo sa akin ang naging buhay ng ate ko." masayang sabi nya habang umiiyak.

"Naku tama siya Joseph. Samahan mo na siya kay Jordan. Halata naman sa mga mata nya ang pangungulila. Sana lang ay maging maayos na si Jordan. Deserve nya naman sumaya at eto na. Dumating na ang tunay nyang pamilya." sabi ni Oliver. Tumango ako at inaya si Jenny pabalik ng Manila.

Bumalik ako sa Manila kasama si Jenny. Marami akong nalaman sa kanya kung anong klaseng pamilya mayroon dapat si Jordan. Kung paano ang dinanas ng mga magulang nila sa paghahanap kay Jordan. Nakakalungkot lang kasi hindi na makikita ni Jordan ang kanyang tunay na mga magulang. Pero atleast may kapatid pa siya.

"Jenny, may pakiusap lang sana ako. Naniniwala naman ako na magkapatid kayo. Sa itsura mo palang eh magkamukha kayo ng ate mo. Pero gusto ko lang makasigurado dahil natrauma na ako sa lahat ng mga nangyayari kay Jordan." sabi ko.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon