Jordan's Pov
Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na kami ng bahay. Kinailangan pa namin mag istay ni baby Dj sa ospital ng isang linggo dahil sa mga test na ginawa samin. Isa pa medyo mahina pa ako dahil na din sa mababa ang resistensya ko at kinailangan pa akong iswero ng mga gamot at bitamina. Hindi ko pa kasi kaya ang uminom ng maraming gamot dahil masakit pa ang lalamunan ko. Dapat ay apat na araw lang pero sabi ni Joseph ay gawin nang isang linggo para na din mabantayan ako maige ng mga nurse at masiguro na magaling na ako bago umuwi.
"Napakagwapo talaga ng apo ko. Manang mana sa lolo." masayang sabi ng papa ni Joseph habang nilalaro si baby Dj na karga karga ni mama Letty. Nasa sala kasi kaming lahat. Naghanda kasi din si mama Letty ng munting salo salo sa pag uwi namin ni baby Dj. Pasasalamat daw dahil ligtas kami ng anak ko.
"Naku Emilio nangarap ka na naman. Hindi mo ba nakikita? Mas mana kaya sakin ang apo natin." sabi ni mama Letty.
"Sabi mo kamukha mo na ang kambal nila Gabriel kaya dapat sakin naman nagmana ang apo ko kay Joseph. Pareho kaming gwapo." katwiran naman ni papa Emilio.
"Magkakahawig sila ng kambal ni Gabriel kaya kamukha ko silang lahat." sabi ni mama Letty.
"Hay naku papa, pagbigyan mo na si mama. Alam mo naman na hindi papatalo yang si mama." sabi ni Seb.
"Oo nga Pa. Di ba si mama ang boss mo?" kantyaw naman ni Migs.
"O siya siya ikaw na Leticia ang kamukha ng mga apo natin." sabi ni papa Emilio na nakasimangot.
Nagtawanan naman kaming lahat. Nakakatuwa naman na makita na ganito ang magulang ni Joseph. Makikita mo na sobra silang nagmamahalan kahit nag aasaran. Nasaksihan ko din kung gaano nag alala si papa Emilio ng maospital si mama Letty.
"Oh kain na tayo at gutom na ako." sabi ni papa Emilio.
Isa isa na kaming nagsiupuan sa hapagkainan. Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan.
"Ayun kainan na! Tamang tama gutom na ako." sabi ng kakarating lang na kaibigan ni Joseph na si Harold.
"Wala nang pwesto. Dun kana kumain sa inyo." nakangiting sabi ni Joseph.
"Ang harsh mo talaga sakin." sabi ni Harold.
"Hahaha buti nga sayo." sabi naman ng kakapasok lang na si Tony. Kaibigan naman ito ni Gabriel.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka kaya invited." nakasimangot na sabi ni Gab. Lumapit si Tony kay Gab at aakmang yakapin pero binatukan ito ni Gab.
"Ikaw naman bro. Alam ko naman na miss mo na ako." nakangiting sabi ni Tony.
"Magsitigil na nga kayo. Panay na naman kau asaran. Paupuin nyo na si Harold at Tony nang makakain na." sabi ni mama Letty.
Masaya ang kainan lalo na ang konting asaran. Napansin ko ang mga ngiti at halakhak ni Joseph. Ngaun ko na lang ulit nakita itong sobrang saya. Nang matapos ang kainan ay napagdesisyunan ng mga lalaki na mag inuman.
"Babe, okay lang ba na uminom ako?" tanong ni Joseph.
"Oo naman babe. Nandyan naman sila mama para tulungan akong mag alaga kay Dj. Huwag mo kaming alalahanin. Magsaya ka ngayon dahil sa susunod na araw baka puro trabaho ka naman." sagot ko.
"Salamat!" sabi nya sabay halik sakin.
Nag inuman sila sa may bandang pool samantalang kami ay nanatili sa sala.
"Siya nga pala ate Jordan baka umuwi na ako ng bahay. Medyo napapabayaan na ang bahay dahil laging walang tao dun kundi ang mga kasambahay. Isa pa pagtutuunan ko na ang restaurant natin." sabi ni Jenny.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...