Joseph's Pov
Nung ayaw sabihin sakin ni Jordan kung bakit sila nagkahiwalay nung Fred na yun ay agad kong tinawagan si kuya Tony ang kaibigan ni kuya na abogado slash private investigator. Gusto kong alamin ang lahat lahat nv nangyayari kay Jordan. Napansin ko na pagkauwi namin galing sa pag gogrocery ay nagpakaabala siya. Paminsan minsan ay nakikita ko siyang tulala. Ganun ba kagrabe ang nangyari sa kanya.
Nung mawala siya sa paningin ko ng araw na iyon ay hinanap ko siya. Tumawag kasi tong si Vic ang secretary ko. May dalawa na naman kasing nagpupumilit na pumasok sa opisina ko. Alam na sana ni Vic ang gagawin kaso may kasama pang mga magulang at pulis ang mga babaeng yun. Kaya naman pinatawagan ko ulit ang abogado ko na tauhan ni kuya Tony.
Hinanap ko si Jordan ng araw na iyon at nakita ko sa likod bahay si Faith na may tinititigan. Sina Jordan at Oliver pala ang tinitignan nya at nakita nyang magkayakap ang dalawa. Nagulat na lang din ako ng mabitawan ni Faith ang hawak nya. Nagtatakbo bigla si Faith.
"Faith!" sigaw ni Oliver nang biglang tumakbo si Faith.
"Hala kuya, nagkamali ata ng iniisip si Faith." sabi ni Jordan.
"Babe...." sabi ko naman.
"Kuya Oliver ako nang bahalang mag explain kay Faith. Sundan ko lang siya. At ikaw Joseph mamaya na lang tayo mag usap pagtapos namin ni Faith." sabi ni Jordan. Pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis para sundan si Faith.
Hinintay ko si Jordan ng gabing yun. Hinintay ko siyang matapos sa mga gawain at kausapin ako pero hindi ito nangyari. Namuti lang ang mga mata ko kakahintay.
Bumalik ako ng Manila pagkatapos ng libing ng grandparents nila ate Ella. Pinuntahan ko si Jordan sa coffeeshop ni ate Ella pero lagi na lang itong wala. Kapag naman natityempuhan ko siya ay laging sinasabi na busy siya. Kahapon lang ay inabangan ko ang oras ng kanyang pag uwi para lang makausap siya ng maayos at wala na siyang lusot. Kaso tinakbuhan nya lang ako.
Nandito ako ngaun sa opisina ko dahil natambakan ako ng trabaho. Ilang araw na din akong nagmumukmok sa opisina ko dahil kay Jordan. Napayuko ako dahil sa sakit ng ulo ko. Narinig ko na bumukas ang pinto ng opisina ko.
"Vic hindi ba sabi ko huwag mo muna akong iistorbohin?" sabi ko sa kanya. Hindi ko pa din inangat ang ulo ko.
"Pati ba naman kami kuya hindi pwedeng umistorbo sayo?" napaangat ang ulo ko sa tanong ni Migs. Naupo sila sa sofa ng opisina ko. Pumunta si Seb sa pantry ng opisina ko. Lumabas siya na may dalang wine at mga baso.
"Kuya pinapunta kami ni mama dito dahil dalawang araw ka nang hindi nauwi. Alam mo naman yun si mama ayaw ng naglalagi o natutulog tayo sa opisina." sabi ni Seb.
"Oo nga. Kinulit nga kami ni mama kagabi na puntahan ka dito. May problema ka ba kuya Seph?" tanong sakin ni Migs.
"Wala naman, bakit?" sabi ko sa kanila. Binigyan ako ni Seb ng baso na may wine.
"Kuya Seph, kung ibang tao kami ay baka naniwala pa sa sinasabi mo pero kilala ka namin, alam namin na may problema ka. Pwede naman ishare." sabi ni Seb.
Tinitigan ko sila. Wala na akong maililihim sa kanilang dalawa. Halos lahat kasi ng kapatid ko kaclose ko kaya kilala namin ang isa't isa.
"Nalilito na kasi ako. Gusto ko kasi si Jordan kaso hindi ako sigurado kung kaya kong mahandle ang ugali nya. Minsan maayos kami, minsan hindi. Nung nasa Baler kami ay akala ko na kakausapin nya ako kaso hindi eh, nagmukha akong tanga kakahintay. Ayaw nyang mag open sakin." paliwanag ko sa kanila.
"Hindi ka kasi sanay na humahabol sa babae. Palibhasa ikaw ang hinahabol ng babae." sabi ni Migs.
"Alam mo kuya Seph, baka naman nag aalangan si ate Jordan dahil sa reputasyon mo." sabi ni Seb.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...