Chapter 17 truth

1.7K 69 66
                                    

Jordan's Pov

"Ano! May asawa ka na?" gulat na sabi ni tita Letty.

"Sorry po huhuhu......" paumanhin ko.

"Huminahon ka nga muna bago ka magkwento sakin." sabi ni tita habang yakap yakap ako at umiiyak. Tumahan ako at humarap ulit sa kanya.

"Tita Letty pwede po bang lumipat tayo ng lugar? Sa tagong lugar po. Kasi ayoko pong may makarinig satin." sabi ko.

"Sige mabuti pa nga." sagot ni tita.

Naglakad lakad kami at narating namin ang isang kwarto na di kalayuan sa opisina ni Gabriel. Pumasok kami sa loob. Laking gulat ko ng makita na napaganda ng kwarto na yun. Para syang bahay na kumpleto sa gamit. Nilock ni tita ang kwarto at kumuha ng bottled juice aat mineral water bago naupo sa sofa.

"Pwede ka nang magkwento. Safe tayo dito sa kwarto namin. Pwede bang simulan mo sa umpisa at paano ka nagkaasawa agad." nagtatakang tanong ni tita.

"Sorry po talaga tita, itinago na po namin ang relasyon namin para hindi malaman ng asawa ko pero nalaman pa din po nya." paliwanag ko.

"Bakit ka nakipagrelasyon gayong may asawa ka na. Kasalanan yun Jordan!" sabi ni tita. Mukhang galit na siya sakin.

"Tita sa maniwala kayo't sa hindi ay hindi ko po ginusto na ikasal ako. Wala pong kasalang naganap nuon. Huhuhu!" paliwanag ko habang umiiyak.

Idinetalye ko pa lahat kay tita Letty simula nung magsyota pa lang kami ni Fred hanggang sa magpakamatay ang kapatid ko. Pati ang pangmamaltrato sakin ng ama ko.

"Im sorry, im sorry! Sorry talaga Jordan. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo. Hindi ko gustong taasan ka ng boses. Pasensya na. Teka ano nga pala ang sabi ni Joseph? Alam nya na ba ang mga ito?" tanong ni tita.

"Alam nya na po lahat. Siya po ang natulong sakin para ipawalang bisa ang kasal ko. Unang araw ko pa lang po na nakita ang marriage certificate na iyon ay inireklamo ko na po ito sa munisipyo kung saan nakalagay na ikinasal ako. Lahat pinuntahan ko na pero nalaman lang po namin nung nakaraan na may taong nagpoprotekta at nagkukunsinte ng kalokohan ni Fred." paliwanag ko kay tita.

"Paano mo nalaman na yung asawa mo ang may kasalanan?" tanong nya.

"Bago po kami dumating ni Alex sa ospital ay may natanggap po ako na text." sabi ko pagkatapos inabot ko ang cellphone ko kay tita at ipinabasa ko ang text ni Fred.

"Napakasalbahe pala ng taong yan. May sakit na sa utak ang taong yan! Hindi normal na tao ang gagawa ng mga ganyan. So ano ang plano mo ngayon?" tanong ni tita.

"Tita balak ko po sanang lumayo muna." naiiyak na sabi ko.

"Ha! Bakit?" tanong nya.

"Tita natatakot po ako para sa kaligtasan ng mga taong mahal ko lalo na si Joseph. Alam kong siya ang magiging target nito." paliwanag ko sa kanya.

"Pero kaya ka naman protektahan ng anak ko." sabi pa nya.

"Alam ko po iyon pero alam kong hindi titigil ang asawa ko. Isa pa hanggat kasal pa po ako ay wala kaming laban sa asawa ko. Baka hindi ko na rin po kayanin kapag may nasaktan pa sa mga mahal ko lalo na si Joseph. Huhuhu!" sabi ko habang panay ang iyak ko.

"Mahal mo na nga ang anak ko." sabi nya. Napatingin ako sa mga mata ni tita.

"Mahal na mahal tita. Siya lang ang taong hindi ako sinukuan at ang taong kayang umunawa sa ugali ko. Sa kanya ko naranasan ang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Lagi nyang sinasabi sakin na mahal nya ako kahit hindi nya alam kung paano at bakit. Alam nyo po wala akong maipipintas sa kanya. Sobrang bait at sweet. Mana po sa inyo tita." sabi ko.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon