Chapter 5

2K 54 20
                                    

Jordan's Pov

"Bakit mo nga pala ako hinalikan kanina? Alam mo bang hindi ako nagpapahalik sa kung sino sino? Isa pa, alam mo ba na pinarurusahan ko ang mga humahalik sakin sa labi?" tanong nya sakin. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko din alam kung bakit ko siya hinalikan. Pwede naman na yakapin ko lang siya at halikan sa pisnge pero bakit sa labi ko pa siya hinalikan.

"Hindi ka makaimik. Alam mo bang pangalawa ka pa lang sa babaeng nakahalik sa labi ko. Bilang parusa mo ay tototohanin na natin na magboyfriend tayo." sabi ni Joseph.

"Ikaw dalawang beses pa lang nahalikan? Nagpapatawa ka ba? Eh playboy ka di ba. So no big deal lang na nakiss kita.

"Sinong maysabing playboy ako? Masyado ka namang judgemental." sabi ni Joseph.

"Hahaha buong mundo ata alam na playboy ka tapos magtataka ka kung kanino ko nalaman. Nakikita na sa buong news na may mga kasama kang mga babae gabi gabi tapos nde ka playboy. Hahaha! Nakakatawa ka talaga, paandarin mo na ang sasakyan para makauwi na tayo." masayang sabi ko pagkatapos ay pinaandar nya ang kotse.

"Babe, bakit kayo nagkahiwalay nung Fred na yun? Bakit ganun na lang ang galit mo sa kanya?" tanong pa ni Joseph.

"Ang dami mong tanong. Pwede ba huwag kang masyadong matanong. Nagiging pakialamero ka na talaga." nakasimangot na sabi ko. Pag naiisip ko pa lang ang lalaki na yun ay kumukulo talaga ang dugo ko.

"Kahit naman hindi mo sabihin sakin ay malalaman ko din naman yun. I have ways Jordan." sabi pa nya.

"Bahala ka." naiiritang sabi ko sa kanya.

Buong biyahe ay tahimik na ako. Hindi na rin naman siya nagtanong pa. Nakarating kami sa bahay nila Ella at ibinaba ang mga pinamili. Ibinigay ko sa mga kapatid ko at kay Alex ang binili naming Toblerone. Buong gabi akong nagpakaabala sa pagtulong sa pamilya ni Ella lalo na kay tita Letty. Napapansin kong nag aattempt na kausapin ako ni Joseph pero umiiwas agad ako. Pumunta ako sa likod bahay, naalala ko na naman ang lalaki na yun. Ang lalaki na sumira sa buhay naming magkapatid. Umupo ako sa upuan sa likod bahay nila Ella. Hindi ko napigilan ang umiyak. Nagulat ako ng biglang may humagod sa likod ko.

"May problema ka na naman ba Jordan? Andito ako, pwede kang maglabas ng problema sakin. Halika nga at yakap lang ang katapat nyan." sabi ni kuya Oliver.

Agad naman akong yumakap sa kanya at umiyak. Panatag kasi ang loob ko sa kanya. Hindi ko masabihan sina Alex at Ella dahil sa personalidad ko o ugaling hanggat kaya ko ay sasarilihin ko na lang ang problema. Masyadong matapang kasi ang personalidad ko. Pinabayaan ako ni kuya Oliver na umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako at kusang tumigil sa pag iyak.

"Bakit ba kuya Oliver sa tuwing may problema ako at hinang hina na ako ay palagi kang nadating para damayan ako? Ikaw lang bukod tangi sa lahat ng pamilya at mga kaibigan ko ang tunay na nakakakilala sa akin. Para kang superhero na biglang darating para iligtas ako." sabi ko sa kanya.

"Hahaha eh kasi nga pogi ako." natawang sabi nya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya pero napangiti din ako.

"Anong konek sa pagiging pogi mo sa sinabi kong para kang superhero?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang para may masabi lang. Hahaha!" sabi nya. Wala eh ganyan yan. Pagkatapos kong umiyak sa kanya kapag may problema ako ay magpapatawa yan. Kahit joke na walang kwenta ay isisingit nya. Napapangiti na lang ako kapag natawa siya, nakakahawa kasi pagtumawa yang si kuya Oliver.

"Anong ginagawa mo dito kuya?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Napansin kita kasi na parang balisa kaya sinundan kita. Hindi man napansin sayo ng mga kaibigan mo na namumublema ka ay ako pansin na pansin ko. Baka gusto mong ikwento sakin." sabi nya.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon