Joseph's Pov
"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko. Itinulak ko siya nung yumakap siya sa akin. Umupo ako sa table ko at nagsimulang magtrabaho.
"Honey! Pansinin mo naman ako." sabi nya sabay upo sa kandungan ko. Hindi ko napansin na nakalapin na pala ito. Sa sobrang inis ko itinulak ko ito at napaupo siya sa sahig.
"Pwede ba Alma, tigilan mo ako. Umuwi ka na at alagaan ang anak mo. May asawa na ako at lumugar ka. Matagal na tayong wala kaya pwede ba!" sigaw ko. Tumayo siya at akmang lalapit sakin pero pinigilan ko.
"Huwag ka nang lumapit pa at baka masaktan ka." sabi ko.
"Honey, alam ko naman na mahal mo pa ako. Iwanan mo na ang babaeng yun at magsimula tayong muli. Ibibigay ko lahat sayo. Pagsisilbihan kita." sabi ni Alma
"Baliw ka na ba? Pagkatapos mo akong iwan at ipagpalit sa ibang lalaki eh tingin mo mapagkakatiwalaan pa kita? Asa ka! Kung sino sino na ang nagpasasa sa katawan mo tapos gusto mo saluhin pa kita. Ni halikan nga baka masuka pa ako. Tama na na nagpakatanga ako sayo nuon at hindi na mauulit pa yun!" sigaw ko.
"Honey naman. Patawarin mo na ako. Magsimula tayong muli kasama ang anak natin." sabi pa nya. Maya maya ay unti unti nyang hinubad ang kanyang mga damit.
"Pwede ba Alma magdamit ka nga! Hindi ako naaakit sa nakikita ko kundi nasusuka ako!" galit na sabi ko. Lumapit pa siya sa akin at umupo sa lamesa ko. Tanging underwear lang ang natitira nyang saplot.
"Honey, pwede mo naman akong pagbigyan. Namimiss ko na ang katawan mo at ang malaki mong alaga. Pwede naman nating gawin yan sa opisina mo. Papayag na akong maging kabit mapasakin ka pang ulit. Araw araw kitang paliligayahin." nang aakit na sabi nya.
"Wala ka na talagang hiya sa katawan mo." nakangising sabi ko.
Ngumiti naman siya ng todo. Yun bang ngiting tagumpay. Nakalingkis siya sa isang braso ko at kinikiskis ang malaki nyang dibdib sa braso ko. Inangat ko ang telepono at tinawagan si Vic. Agad namang pumasok si Vic at nanlaki ang mata ng makita si Alma. Si Alma naman ay nagtago pa sa likod ko.
"Tumawag ka ng security at palabasin ang babaeng ito. Huwag kang aalis sa kinatatayuan mo Vic at hayaan mong bukas ang pinto." sabi ko. Agad namang nagdial ito para tawagan ang security.
"Honey! Pasara mo ang pinto. Magbibihis ako! Abot mo sakin ang damit ko." sabi ni Alma.
"Wag na. Wala ka din naman hiya eh. Di ba gustong gusto mo yang nakikita ng ibang lalaki ang katawan mo? Nakita mo ba alaga ko? Tahimik lang at hindi nasasabik sayo. Ganyan kita kinasusuklaman." nakangising sabi ko.
Wala itong nagawa kundi dali dali itong nagbihis sa harap namin ni Vic. Maya maya ay dumating na ang security.
"Pagmasdan nyo ang mukha ng babaeng yan. I ban nyo yan dito sa kompanya ko. Ayokong makakapuslit ulit ang babaeng yan. Kapag nagpumilit kasuhan ng trespassing at tumawag ng pulis. Naintindihan nyo ba?" sabi ko sa mga tauhan ko.
Grabe ang titig sakin ni Alma. Malamang ay galit na galit ito sa pagpapahiya ko sa kanya. Inaya na ng security si Alma at lumabas na ito. Natira na lang kami ni Vic. Napaupo ako sa silya at napahawak sa sintido ko.
"Grabe boss maganda sana kaso masama ugali." sabi ni Vic.
"Icancel mo na lahat ng appointment ko ngayon. Pupuntahan ko si kuya Gab. Ayoko nang mauulit na makapasok ang babaeng iyon. Ang pwede lang pumasok na babae dito ay ang asawa kong si Jordan." sabi ko.
"Wow boss congrats! Kinasal ka na pala hindi ka man lang nag imbita." biro ni Vic.
"Pirmahan lang ang naganap dahil minadali ko ito. Siya nga pala, maghanap ka ng wedding planner para sa kasal ko. Gusto kong maging engrande ang magiging kasal namin ni Jordan. Huwag kang mag alala imbitado ka." nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...