Chapter 1

3.2K 70 13
                                    

Joseph's Pov

Papunta kami ngayon sa bahay ampunan na pagdarausan ng birtday ni Oliver. Mabait naman si Oliver kaya lang naiinis ako sa kanya kaya medyo iniiwasan ko siya. Paano ba naman kasi, nang dahil nung kasal ni kuya Gab at ate Ella ay iniwasan ko nang makipag usap kay Oliver dahil sa selos.

"Oh kuya eto daw baon nila ate Ella. Ilang sasakyan ba dadalhin natin?" tanong ni Migs kay kuya Gab.

"Siguro tatlo. Marami kasi kaming napamili para idonate sa bahay ampunan. Nagdala din kasi ako ng mga gamot at vitamins para sa mga bata dun." sagot ni kuya Gab.

"Sige kuya Gab, kayo na ni ate Ella sa isang sasakyan. Ako nang bahala sa mga kaibigan ni ate Ella. Tapos kayo Migs at Seb ay sa isang sasakyan." sabi ko.

"Mabuti pa nga." sagot nya. Nagsipasukan na kami sa loob ng sasakyan. Bago kami umandar ay sumigaw si ate Ella sa akin.

"Seph! Ingatan mo ang mga kaibigan ko. Lalo na si Jordan. Ipapadate ko pa yan sa kuya ko!" sigaw ni Ella.

Napasimangot naman ako sa sinabi ni ate Ella. Ewan ko kung bakit ako selos na selos pagdating kay Jordan. Tahimik akong nagdadrive habang sina Alex at Jordan ay nag uusap. Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa bahay nila ate Ella. Nanduon sa labas ang grandparents at kuya Oliver ni ate Ella.

"Happy birthday kuya! Matanda ka na kaya mag asawa ka na din hahaha." pagbibiro ni ate Ella.

"Di nya pa ako napapansin bunso eh. Isa pa ang layo ko sa kanya. Ang hirap magbiyahe mula Baler hanggang Maynila. Hahaha!" sabi ni Oliver kay ate Ella.

"Pinapansin naman kita ah, hahaha! Happy birthday crush." natatawang sabi ni Jordan. Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Crush daw nya si Oliver.

"Salamat sexy!" sagot naman ni Oliver. Sa sobrang inis ko ay ibinalibag ko ang pinto ng sasakyan.

"Bro, dahan dahan lang. Kung gusto mong sirain ang sasakyan mo, bigay mo na lang sakin." nakangiting sabi ni kuya Gab.

Sina kuya Gab at ate Ella ay nagbigay ng check up at vitamins sa mga bata. Sina Jack, Alex, Migs at Seb ay mga nagbigay ng pagkain sa mga ito. Kami naman ni Jordan ang namimigay ng mga donasyong mga damit at gamit sa pag aaral. At si Oliver ay nagbibigay ng mga donasyon sa mga taong nagtatrabaho sa bahay ampunan.

"Kayo ba ni Oliver?" tanong ko kay Jordan.

"Si kuya Oliver? Hindi noh! Wish ko lang hahaha. Pero hanggang crush lang pwede. Kuya na kasi ang turing ko sa kanya at nakababatang kapatid din ang turing nya sa amin nila Alex." napangiti ako sa paliwanag nya.

"May boyfriend ka ba?" tanong ko.

"Wala." maikling sagot nya habang nag aabot sa isang bata ng school bag na may lamang mga gamit sa school.

"Talaga? Parang hindi naman kapani- paniwala. Sa ganda mong yan wala ka talagang boyfriend?" tanong ko pagkatapos kong ibigay ang damit na donations.

"Kung ayaw mong maniwala ay bahala ka. Isa pa wala naman akong dapat iexplain sayo." sabi nya.

"Hindi ka ba nalulungkot na mag isa at walang boyfriend?" tanong ko ulit.

"Dahil lang ba sa boyfriend pwedeng sumaya ang isang babae? Ang babaw mo naman pala kung ganun. Babae lang pala ang makakapagpasaya sayo." sabi nya. Nahiya naman ako sa sinabi nya. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.

"Pwede ba akong manligaw sayo." tanong ko.

"Ikaw? Manliligaw ka sakin?" takang tanong nya sakin. Bakit ganyang ang reaksiyon nya sakin? Hindi ba kapanipaniwala.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon