Chapter 2

2.5K 59 5
                                    

Jordan's Pov

Nag aayos ako ng mga cakes sa coffeeshop na pag aari ni Ella na kaibigan ko.

"Kailangan nyong sumama sakin. Isarado nyo muna ang coffeeshop." sabi ni Joseph na kakapasok lang sa coffeeshop.

"Bakit naman namin isasara?" tanong ni Alex kay Joseph.

"Kailangan kayo ni ate Ella ngayon. Pupuntahan natin siya sa Baler. Namatay ang grandparents nya. Pinapasundo kayo ni kuya Gabriel para may umalalay kay ate Ella dahil kayo lang dalawa ang mas nakakakilala sa kanya." sabi ni Joseph.

"Ano!" gulat na sabi namin ni Alex.

Tama naman ang sinabi ni Joseph. Kami lang ni pinsan Alex ang nakakakilala kay Ella. Kaming tatlo kasi ang magkakasama simula gradeschool kami. Magkakasing edad lang kami kaya ayaw patawag ni Alex ng kuya. Hindi rin ako makapaniwala na wala na ang grandparents ni Ella. Sa totoo lang malaki ang respeto namin ni Alex sa mag asawang iyon. Ang grandparents kasi ni Ella ang nagpaaral samin ni Alex. Simula highschool hanggang college basta kasama namin si Ella. Pinag aral nila kami basta babantayan namin si Ella. Tinanggap namin ito ng maluwag sa kalooban kasi mahirap lang kami. Lalo na ang pamilya ko kaysa kina Alex.

Hindi naman nila kami tinuring na iba. Para na rin nila kaming apo kaya naman naiyak kami ni Alex. Hindi kami makapaniwala pero hindi naman magbibiro itong si Joseph. Dali dali kaming nagsara at pinauwi ang mga trabahador. Sumakay kami ni Alex sa sasakyan ni Joseph. Tahimik kaming umiiyak habang bumibyahe pauwi ng Baler.

Pagdating namin ay halos tulala si Ella. Hinayaan namin na si tita Letty muna ang umalo sa kanya dahil mas kailangan ni Ella ng yakap ng isang ina. Nag aalala lang ako sa ipinagbubuntis ni Ella.

"Kanina pa ba kayo dyan? Paano nyo nalaman?" tanong ni Ella. Pagkatapos nila mag usap ni tita Letty ay napansin na din nya kami.

"Kanina pa kami sis. Hindi ka na namin inistorbo sa moment mo kay tita Letty. Alam naman namin na kailangan mo ngayon ng yakap ng isang ina." sabi ko.

"Condolence Sis. Pinuntahan kami ni Joseph sa coffeeshop kaya namin nalaman. Nagsara agad kami at sumabay na sa kanya. Siya nga pala, susunod na lang daw si Jack." sabi ni Alex.

"O siya, tutulong muna kami kay Oliver sa mga bisita. Nakakaawa na ang kuya mo. Kapag gusto mong umiyak at maglabas ng pagkalungkot mo, nandito lang kami para sayo. Tandaan mo yan." sabi ko kay Ella.

"Salamat sa inyong dalawa." sagot nya at saka nya kami niyakap.

Marami ang nagdatingang mga bisita. Kilala kasi ang mga grandparents nila Ella na mababait na tao. Dating mayor din si grandpa. Nasira lang ang pangalan ng Garcia dahil kay David Garcia ang papa nila Ella at Oliver. Tumayo si Ella at tumulong sa pag aasikaso ng bisita.

"Bakit ka tumayo iha?" tanong sa kanya ni tita Letty.

"Tutulong po ako sa pag aasikaso. Naaawa na po ako kay kuya ko kasi wala na po siyang pahinga. Isa pa po nahihiya po ako sa inyo." sagot nya.

"Sasabunutan talaga kita. Mga kaibigan mo kami. At isa pa malapit din kami sa grandma mo. Papabayaan ka ba naman namin. Mahihiya? Aba sino ba kami?" sabi ko.

"Isa pa buntis ka. Sis, gusto namin itong gawin. Kaya huwag kang mahiya sa amin." sabi ni Alex.

Umalis na sina tita Letty dahil bibili ng mga pagkain, groceries at iba pa. Natutulog naman si Oliver sa kwarto nya. Naupo naman kaming tatlo nila Alex at Ella sa harapan. Inayos nga pala ang sala nila na parang chapel.

"Sis, may problema tayo." sabi ko. Nakita ko kasing dumadating ang pamilya ni Ella. Malamang gulo na naman ito. Napalingon sila sa nginuso nito.

Nakita naming dumating ang papa, mama, ate Monica at ate Karen nila Ella at Oliver. Agad silang lumapit at umiyak sa harap ng kabaong. Ang lakas ng iyak nila lalo na ang mama ni Ella.

"Ano ba yan ang paplastic naman nila." naiiritang bulong ko sa mga kaibigan ko.

"Oo nga pangfamas ang acting nila hahaha." bulong pa ni Alex.

"Tumigil nga kayo, baka marinig kayo ng mga yan." awat ni Ella. Nakakainis kasi ang pamilya ni Ella eh.

Pinagmamasdan namin ang pamilya niya na umiyak. Sa totoo lang, talagang peke ang mga iyak nito. Alam nila kung paano nila pagsalitaan ang grandparents nila Ella. Para ngang hindi magulang ang turing ng papa nila kung sagut sagutin nya ang mga ito. Nagulat na lang kami ng bigla nilang sugurin ng ate Monica si Ella at sinabunutan ito.

"Ikaw! Ikaw ang salot sa amin!" sigaw ni Monica. Pinagtutulungan nila si Ella kaya naman todo awat kami ni Alex.

"Bitawan nyo ang asawa ko!" pag aawat ni Gabriel. Nasa harap nya ito at si Joseph sa kanan ni Ella. Tapos kaming dalawa ni Alex ay nasa kaliwa nya.

"Kapag may nangyari sa mag ina ko, sisiguraduhin ko na may kalalagyan kayo. Ikaw Karen, hindi ka pa ba nadadala?" sigaw ni Gabriel.

Nagulat sila ng malaman nila na may asawa na si Ella. Natahimik ang buong bahay nila ng umalis ang pamilya ni Ella. Nagtataka lang ako kung bakit ang tagal naman bumaba ni Ella kaya naman umakyat si Alex. Naging abala ako dahil nagdagsaan ang mga nakikiramay sa mga Garcia.

"Hindi na makakababa si Ella." bulong sakin ni Alex na kakababa lang.

"Ha! Bakit? Walang naharap sa mga tao dito. Tulog pa si kuya Oliver." sabi ko.

"Muntik nang makunan si Ella. Nagkasagutan ata sila ng pamilya nya." balita ni Alex.

"Ano! Kamusta ang mag ina?" nag aalalang tanong ko.

"Okay na. Pinagpapahinga ni Gabriel." paliwanag ni Alex.

Nagpakaabala na lang kami ni Alex. Yan lang ang maitutulong namin sa lahat ng kabutihan ng grandparents nila Ella. Hindi naman nagtagal ay dumating si tita Letty dala ang mga pinamili.

Hindi ko na napansin na umaga na pala. Nagpaalam ako kay tita Letty na uuwi muna. Si Alex naman ay kanina pa nakauwi. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng sampal ng tatay ko.

"Hindi ka ba talaga nadadala? Lagi lang nakadikit sa mga Garcia na yan! Alam mong hindi maganda ang ginawa nila sa atin!" sigaw ng tatay ko.

"Pwede ho ba tay tumigil na kayo. Pagod ho ako." walang kabuhay buhay na sabi ko.

"Lumayas ka dito! Kung gusto mo sa mga Garcia ay dun kana. Huwag mo kaming madamay damay sa mga pinaggagagawa mo!" galit na sabi ni tatay. Inaawat naman siya ng nanay ko.

"Alam nyo ho nakakatawa kayo. Ako pa ho ba ang lalayas? Eh halos lahat ng meron kayo dito ay galing sakin. Isa pa ang kinasusuklaman nyong Garcia ay ang nagpaaral sakin at nagbigay ng trabaho." sagot ko.

"Wala akong pakialam!" sabi pa ng tatay ko.

"Sige ho lalayas ako. Mas maganda nga sakin yan eh. Mapupunta pa sa akin ang perang pinaghihirapan ko. Kung hindi lang dahil kina nanay at sa mga kapatid ko ay hindi ako magpapadala ng pera at mas lalong hindi ako uuwi dito!" sigaw ko. Galit na lumabas ng bahay ang tatay ko.

"Pagpasensyahan mo na ang tatay mo. May nakaaway na naman kasi na tao at ikaw na naman ang dahilan." sabi ni nanay.

"Nakakapagod na ho kasi. Simula bata pa ako ay hindi na siya nagtrabaho. Inasa na sa ating dalawa ang pagpapakain sa pamilyang ito. Dahil lang sa pride nya? Isa pa nakipag away na naman po siya? Dapat nya po bang patulan? Tsismis na naman yan." inis na sabi ko.

"Alam mo naman kapag tungkol kay Nica ang pinag uusapan ay sobrang apektado ang tatay mo." sabi ni nanay.

"Siya lang ba ang anak? Nay buhay pa kaming iba nyang anak. Isa pa anak din naman nya ako ah. Bakit kailangang isisi nya sa akin ang pagkamatay ni Nica." sabi ko sa nanay ko.

"Pagpasensyahan mo na anak. Kailangan ka namin. Huwag mo naman kami pabayaan anak." pakiusap ni nanay.

"Hanggang kelan ko kakayanin? Hanggang kelan ako magtitiis. Pagod na ako nay. Pwede bang sarili ko naman ang intindihin ko?" naiiyak na tanong ko.

"Kung kaya ko lang sanang magtrabaho anak. Pakiusap patapusin mo lang si Dina at kami na ang bahala. Pakiusap Jordan anak." nagmamakaawang sabi ni nanay. Umakyat ako sa kwarto ko.

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kundi iyakan ang lahat. Hanggang kailan ako magtitiis. Hanggang kailan ako magdudusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Patulog na sana ako ng may magtxt sa akin. Sino kaya tong nagtext sa akin? Napakunot ang noo ko sa text.

"Sweet dreams babe." sabi sa text.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon