Joseph's Pov
Kaya naman pala siya panay aray eh puno siya ng latay. Nakakapanggigil ang taong gumawa nito. Parang gusto kong patayin ang may gawa nito sa kanila.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sakin kung sino ang may gawa sa inyo nyan?" tanong ko.
"Pwede ba Joseph, huwag ka nang makialam pa!" iritableng sabi nya habang nagsusuot ng blouse.
"Gusto ko lang namang tumulong." mahinahong sabi ko.
"Wala ka naman dapat itulong. Kaya ko na to. Mas makakatulong ka sakin kapag nanahimik ka. Mauna na ako sayo, baka kailangan na ako ni Ella." sabi nya bago umalis.
Pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo siya sakin. Hindi ko alam kung bakit sumobra ang reaksiyon ko. Galit na galit pa naman ako sa taong nananakit ng walang kalaban laban. Sino ba ang gumawa nyan at parang galit pa siya na tutulungan ko sila.
"Pasensiya ka na sa ate ko. Teka may gusto ka ba sa ate ko?" tanong ng kapatid na lalaki ni Jordan.
"Sino ka nga?" tanong ko.
"Ay sorry kuya. Ako nga pala si Jude kapatid ni ate Jordan. Mabalik tayo sa tanong ko, may gusto ka ba sa ate ko?" tanong ulit nya.
"Joseph nga pala. Ano sa tingin mo Jude?" yan na lang ang nasabi ko. Hindi ko din alam kasi kung gusto ko ang ate nya.
"Ang kulit mo din kuya. Alam mo yan ang ayaw na ayaw ni ate Jordan. Yung sasagutin mo siya ng parang nakakaloko. Medyo iritable kasi si ate eh." sabi pa nya.
"Bakit ba mailap yang ate mo? Lagi pang iritable. Gusto ko lang naman tumulong sa inyo. Napansin ko kasi na puro kayo latay. Napaano ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Kay ate Jordan mo na lang itanong. Ayoko kasing pangunahan ang ate ko. Nangako ako sa kanya eh. Isa pang payo ko sayo kuya Joseph. Ang pinakaayaw ni ate Jordan ay ang mga manloloko. Kaya kung hindi ka seryoso sa kanya ay huwag mo nang ituloy." sabi nya.
"Teka! Nagkaboyfriend na ba ang ate mo?" tanong ko. Ngumiti lang siya bago umalis.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Jude. Bakit ba masyado silang malihim? Isa pa, naloko na ba si Jordan? Hay naku ang dami nang gumugulo sa isipan ko. Kailangan ko na munang maglibang. Pumunta ako ng kusina para magpaalam kay mama. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko sina mama, Jordan at Seb.
"Ayan Ma si kuya, walang ginagawa kaya pwede yang sumama kay ate Jordan mamili ng groceries." sabi ni Seb sabay turo sakin.
"Naku tita Letty ako na lang po mag isa. Kaya ko po naman eh." sabi ni Jordan.
"Hay naku iha, mas mapapadali kung may kasama ka at isa pa gabi na. Mapapanatag ako kung may kasama kang lalaki. Alam mo naman ang panahon ngayon. Sige na magpasama ka na kay Joseph." sabi ni mama kay Jordan.
"Tara na! Hindi ka titigilan nyan ni mama hanggat hindi nya nasusunod ang gusto nya." sabi ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay at saka ko siya hinatak. Balak pa kasi umapela kay mama.
Pagdating namin sa kotse ko ay sumakay siya agad. Sumakay na din ako sa driver seat.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Maggogrocery tayo tapos kukunin natin yung order ni Oliver na mga tinapay sa bakery." sabi ni Jordan.
"Okay cge yun lang pala." sabi ko at pagkatapos ay pinaandar ko na ang kotse.
"Ano ang uunahin natin?" tanong ko.
"Sa maggrocery muna tayo. Baka kasi matagalan pa tayo dun at isa pa baka lumamig kaagad ang mga tinapay." sagot nya.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomantizmMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...