Jordan's Pov
Makalipas ang dalawang linggo ng aming paghihintay ay ngayon namin malalaman ang resulta ng DNA test ni Andrei at Joseph. Medyo natagalan daw ewan ko kung bakit. Sina Joseph kasi at kuya Gab ang nag uusap. Yung DNA test na isinagawa sa ibang ospital ang maagang dumating. As expected positive. Malamang dinoktor ni Alma kaya hindi na kaming lahat magtataka. Kasalukuyan kaming nag iintay lahat sa sala sa pagdating ng DNA test na isinagawa sa ospital nila kuya Gab. Prinoseso pa daw ito sa Amerika at on the way na ang tauhan nila kuya Gab sa mansion ng mga Dela Torre.
"Ano ba yan, ang tagal naman! Hindi pa ba kayo naniniwala sa unang resulta ng DNA test? Maniwala kayo o hindi positive yan." very confident na sabi ni Alma.
"Malamang hindi! Malay ba namin kung dinoktor mo lang yung resulta na nun. Alam naman namin lahat gagawin mo para makuha gusto mo. Kaya malamang sisiw lang ang pagbabayad sa kanila para maging positibo ang resulta!" galit na sabi ni Seb.
"Ginagawa mo naman kaming tanga ka eh! Ah este ginagawa mo kaming tanga." biro naman ni Migs.
"Manahimik na kayo! Antayin na lang natin ang resulta." sabi ni mama.
Lahat kami tahimik maliban na lang kay Alma na panay dakdak. Nakahawak ng mahigpit sa kamay ko si Joseph halata mong ninenerbiyos. Hindi nya talaga matanggap na nagkaanak siya kay Alma. Hindi rin talaga siya nasasabik kay Andrei tulad ng pagkasabik nya kay Dj. Pero bilib ako kay Joseph dahil ni minsan hindi nya pinaramdam sa bata ang tunay nyang nararamdaman. Sobrang bait naman talaga ni Joseph kaso na misinterpret lang dahil sa pagiging playboy. Kung ako ang tatanungin ay tanggap ko na kung positibo pero hoping pa din na hindi. Sobrang pagtitimpi na ang ginagawa ko sa babaeng yan kaya sana hindi talaga. Lahat kami naalerto ng biglang pumasok ang kasambahay at nasa likod ang hinihintay naming lahat.
"Dok Gab, nandito na po ang resulta ng DNA test." sabi ng isang doktor.
"Sige basahin mo na sa harap naming lahat" utos ni Gab.
At nagsimula na ngang basahin ang nakalagay sa papel. Daldal ng daldal ang doktor. Sila Gab lang nagkakaintindihan sa mga terms na yun.
"Pwede ba basahin nyo na resulta. Yung wala nang paligoy ligoy pa. Wala kaming naiintindihan." iritang sabi ni Alma. May point naman siya. Tumingin ang doktor kay Gab at tumango naman si Gab bilang pagsang ayon.
"Ang resulta po ay 25.588373939 positive ang DNA nila Mr. Joseph Dela Torre at ng bata." sabi nung doktor.
"Teka? Positive? Tama ba?" tanong ni Joseph na takang taka.
"Sabi sa inyo positive eh. Ayaw nyo pang maniwala!" sabi ni Alma.
"Shut up!" sigaw ni mama. Hala si mama galit na. Di na ako nagtataka na tumahimik ang lahat.
"Gab paanong nangyari yun? Naguguluhan kami. Anak ba talaga ni Joseph si Andrei?" tanong ni Ella sa asawa nya.
"Hindi ko alam. Pero sa explaination kadugo namin si Andrei. Ang pinagtataka ko lang dapat nasa 99 ang naging resulta nito kung talagang anak nya si Andrei." sabi ni kuya Gab.
"So anak nya si Andrei at yun ang totoo. Kaya ngayon pag usapan na natin ang tungkol sa bata." proud na sabi ni Alma.
Nakayuko na lang si Joseph. Alam kong hindi nya matanggap. Hindi nya matanggap na may anak siya sa babaeng yun. Sinabi nya sakin na malamang laging gulo at sakit sa ulo lang ang ibibigay sa amin ng babaeng yun. Hinaplos ko ang ulo ni Joseph at ang kabila kong kamay ay nakahawak sa kamay nya. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya dahil nuong ako ang mahina ay hindi nya ako iniwan.
"Pero kuya Gab pwedeng hindi nya anak ito kung 25 percent lang." sabi ni Seb.
"Oo tama ka. Yan ang naiisip ko. Pero sino sa inyo? Imposibleng ako kasi hindi ko nga nakasama yang babaeng yan." paliwanag ni kuya Gab.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...