Chapter 7

1.9K 63 26
                                    

Jordan's Pov

"Ano na naman ang minumukmok mo diyan? Oh! Special delivery para sayo. Tatlong araw nang sunod sunod na nagbibigay ng flowers at chocolates si Papa Joseph ah. Wala pa bang special something?" tanong ni Alex.

"Wala! At pwede ba huwag mo munang mabanggit banggit ang lalaking yun. Panira siya ng mood." sabi ko. Alam ko naman na sumusobra na ako sa mga sinasabi ko pero gusto ko lang na tigilan ako ni Joseph. Para sakin kasi ang mga ganung lalaki kasi ay hindi na magbabago. Kung ang iba ay mahuhulog agad sa mga ginagawang panliligaw ni Joseph pero ako ay pinipigilan ko ang sarili ko na magkalapit pa kami.

"Ang harsh mo sa kanya cousin." sabi pa ni Alex.

Tumahimik na lang ako. Habang nag aayos kami sa opisina ng coffeeshop ay nagring ang phone ni Alex. Kinausap nya ito agad ito. Saglit lang at binaba ni Alex ang tawag.

"Asan ang cellphone mo Jordan?" tanong ni Alex. Kinuha ko ang cp ko sa bag pero lobat pala ito.

"Lobat pala eh. Bakit ba?" tanong ko.

"Tumawag si mommy at sabi nya ay umuwi ka muna sa bahay nyo. Sinundo daw ng nanay mo ang mga kapatid mo. Nag away daw sila mommy at tita. Makalipas ang 5 oras  matapos sunduin ang mga kapatid mo ay tumawag si Dina at sinabi na bugbog sarado daw si Jude." nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat sa binalita ni Alex. Nanginginig ako at nataranta. Kinuha ko ang bag ko.

"Uuwi muna ako! Ikaw na munang bahala na magsabi kay Ella." sabi ko at dali daling umalis ng coffeeshop.

"Teka lang!" narinig kong sigaw ni Alex. Hindi ko na pinansin ang sigaw nya at nagmamadali akong makauwi ng Baler dahil sa sobra akong nag aalala sa mga kapatid ko. Ngunit pagbukas ko ng pinto ng coffeeshop ay may nakabungguan ako.

"Babe!" sigaw ni Joseph sabay salo sakin. Nahila nya ako at napayakap ako sa kanya.

"Salamat!" sabi ko at dali dali akong bumitaw sa kanya.

"Dahan dahan babe. Bakit ka ba nagmamadali? Dahil ba sakin kaya ka nagmamadali ay para iwasan ako?" tanong sakin ni Joseph.

"Hindi dahil sayo. Saka na ako mag eexplain. Pwede ba padaanin mo muna ako?" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Saan ka ba pupunta? Teka bakit ka nanginginig? May sakit ka ba?" sunod sunod na tanong ni Joseph. Hindi ko siya pinansin at nagpupumilit ako na makalabas. Hindi kasi ako makadaan dahil nakaharang si Joseph.

"Hay naku! Mabuti na lang at naabutan kita. Alam mo Jordan minsan tanga ka talaga. Aalis ka mag isa? Eh tignan mo nga ang sarili mo, natataranta ka at nanginginig. Kaya mo bang bumiyahe sa ganyan kalagayan? Alam mo mababatukan na talaga kita. Nag iisip ka ba? Paano kung mapahamak ka!" galit na sabi ni Alex.

Napaupo ako sa sahig dahil sa hindi na kinaya ng binti ko. Sobra na akong nanghihina sa kakaisip. Napahagulgol na lang ako. Naramdaman ko na may biglang yumakap sakin. Napatingin ako dito.

"Nandito lang ako para sayo." sabi ni Joseph. Lalo akong napaiyak dahil kahit anong taboy ko o pag iwas sa kanya ay nandyan pa din siya. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit. Sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin ako ni Joseph. Para bang safe na safe ako sa mga bisig nya.

Pinabayaan lang nila akong umiyak ng umiyak. Naririnig ko si Alex na paulit ulit na sinasabi na tahan na. Nang mahimasmasan ako ay bumitiw agad ako sa pagkakayakap kay Joseph.

"Salamat." yun lang ang nasabi ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Nagmamadali ka, alam mo na ba kung saan pupuntahan ang mga kapatid mo?" tanong ni Alex. Umiling ako dahil hindi ko alam kung saan ko sila pupuntahan.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon