Chapter 34

1K 33 10
                                    

Jordan's Pov

"Ano bakla tuloy ka na ba mamaya? Bakit kasi nataon pa sa kasal. Maghahappy happy pa dapat tayo hahaha!" masayang sabi ni Ella.

"Palibhasa nagpresinta na mag alaga sa kambal si daddy mo kaya masayang masaya ka."sabi ko.

"Aba siyempre naman ano. Minsan lang ako makawala sa kambal. Ano bakla bukas ka na umalis." sabi nito kay Alex.

"Aba akala mo ba gusto ko umalis agad? Nakaset na ang alis ko bago pa magpropose si Joseph kay pinsan. At isa pa hindi mura ang plane ticket ko noh!" sabi ni Alex.

"Yun lang ba? Palitan ko plane ticket mo. Hihingi ako kay Gabriel ng pera. Bukas ka na umalis." nagmamakaawang sabi ni Ella.

"Baliw ka din ano! May pera ka namang sarili galing sa coffeeshop pero manghihingi ka pa sa asawa mo." malditang sabi ni Alex.

"Siyempre para sa kambal lahat yun noh." sabi ni Ella.

"Gaga pwede nyo naman ako puntahan dun. Mayayaman naman kayo eh, kayang kaya nyong magpabalik balik dun. Oh sya cheers na sa bagong kasal!" sigaw ni Alex.

Tama kakatapos lang ng kasal ko. Nakaupo kaming tatlong magkakaibigan sa isang mesa at umiinom lang ng wine. Medyo naging emosyonal ako dahil sa dami ng nangyari sa amin ay sa simbahan pa din ang tuloy. Simple lang ang kasal pero mamahalin talaga ang pinabili ni Joseph na mga gamit tulad ng singsing ko milyon ang halaga. Para ngang ayaw ko nang suotin kasi baka makidnap ako. Pati rin wedding dress ko at ang reception venue namin sobrang engrande. Hindi ko naman hiniling ito kaya sobra akong nagpapasalamat sa asawa ko dahil gusto nya lang akong mapaligaya.

"Masayang masaya ako sa nangyayari sa inyong dalawa. Biruin mo nabingwit nyo ang dalawang yummy papa at isa pa ang yayaman pa nila." sabi ni Alex. Napatingin kaming tatlo sa isang table kung saan nandun ang asawa ko at ang mga kapatid at kaibigan nila.

"Siyempre ang gaganda kaya namin." sabi ko.

"Correct ka dyan sis!" pagsang ayon naman ni Ella.

"Pero pinsan, babalik ka ha. Mamimiss kitang baklita ka. Alam mo naman na lagi tayong magkakasama at sa ating lahat ikaw ang nagtatanggol sa amin. Di ako sanay na wala ka sa tabi namin." naluluhang sabi ko.

"May magtatanggol na sa inyong dalawa. Alam ko naman na lahat gagawin ng mga asawa nyo para sa kaligtasan nyo at sa ikakasaya nyo. Kita mo nga itong kasal mo, wala pang isang buwan eh ayus na ayos na at ang engrande pa. Talo mo pa ang mga celebrity dyan. Wag na kayong malungkot, babalik naman ako." sabi ni Alex. Niyakap namin siya ni Ella. Magkakatabi lang naman kami at nasa gitna si Alex.

"Ano ba yan, kasi naman eh! Dapat masaya tayo dahil kasal ko pero bakit tayo nag iiyakan. Kainis ka naman kasing baklita ka eh." naluluhang sabi ko bago umalis sa pagkakayakap kay Alex.

"May we call on the bride and the groom for a dance." sabi nung host. Pumunta naman kami ng asawa ko sa gitna at sumayaw habang tinutugtog ang kantang Grow old with you.

"Ano bayan babe! Sa dinami dami ng kanta bakit yan pa nirequest mong patugtugin." sabi ko.

"Eh maganda naman yang kanta na yan. Maiba tayo ready ka na ba misis ko sa honeymoon natin?" tanong ni Joseph.

"Eh saan ba tayo maghahoneymoon? Huwag lang masyadong matagal ha kasi ayokong iwan ng matagal sina Dj at Andrei." sabi ko.

"Hindi ko alam kay Migs. Siya daw bahala sa honeymoon natin. Pwede ba huwag mo munang alalahanin ang mga bata. Nandyan naman sila mama at ang mga kapatid ko para bantayan sila. Sabi din ni Jenny na dun muna sya matutulog sa bahay habang wala tayo. Mag enjoy ka muna babe." sabi ni Joseph.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon