Joseph's Pov
Napansin namin na gumaganda na ang kalagayan ni Jordan. Kaya naman napagdesisyunan ng OB ni Jordan at ni kuya Gab na pauwiin na kami. Mas nakakabuti nga kasama niya ang iba pang taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Lagi ngang nabisita si ate Ella dala ang kambal at si Alex. Si Jenny naman ay pansamantalang nakatira sa amin. Siya at si mama kasi ang bantay ni Jordan kapag napunta ako sa opisina.
Tanghali na ng magising ako. Wala naman masyadong gagawin sa opisina kaya hindi na ako pumasok. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko na nasa sala si Jordan kasama sina Ella, Alex at Jenny. Nagtatawanan sila. Napangiti ako dahil nakangiti din si Jordan. Lumapit ako kay Jordan at humalik sa noo nya bago umupo sa tabi nya.
"Wala ka bang pasok ngayon Jenny?" tanong ko sa kapatid ni Jordan.
"Wala kuya. Pero baka pumunta ako ng restaurant. Hindi ko na kasi nabibisita yun." sagot ni Jenny.
"Hala! Sino naman ang nag aasikaso nun kapag wala ka?" tanong ni Alex.
"Nandun si manang Elena. Siya yung nag alaga sakin simula bata ako. Madalas din kasi busy sila mama at papa sa paghahanap kay ate at sa restaurant kaya naghire sila ng mag aalaga sakin. Sa kanya ko iniiwan kapag busy ako sa school. Sobra naman yung mapagkakatiwalaan." sagot ni Jenny.
"Kamusta naman ang restaurant mo?" tanong ni ate Ella.
"Okay naman po pero medyo humina ata dahil sa mga kakumpetensya. May mga nagtayo din na mga restaurant sa tabi namin. At naku hindi ko lang po restaurant yun. Sa amin dalawa ni ate Jordan yun. Itinayo po yun ng parents namin para samin dalawa ni ate Jordan." sagot ulit ni Jenny.
"Hayaan mo tutulungan ka namin sa pagpapadami ng costumer mo. Sabihin mo lang kung may maitutulong pa kaming iba pa para sa business nyo." sabi ko.
"Oo nga isheshare ko sa lahat ng kakilala ko at sa mga kakilala ni Gab ang restaurant mo." sabi naman ni ate Ella.
"Salamat sa inyo." sabi ni Jenny.
"Oh magsikain na kayo. Luto na ang pagkain. Tawagin nyo na ang iba pa para makakain na tayo." sabi ni mama na kakalabas lang ng kusina.
Inalalayan ko si Jordan papuntang dining area. Nakasunod na din si Jenny at Alex sa amin. Si ate Ella naman ay tinawag sina kuya Gab at Migs. Sila kasi ang bantay ng kambal. Nang makapasok kami sa dining area ay naabutan namin na nakaupo na si papa at naghahain naman sina mama at Seb. Maya maya ay dumating na sila Migs at ang pamilya ni kuya Gab.
"Ma, mukhang masayang masaya ka ah." bati ni Migs.
"Aba siyempre masaya ang mama nyo kasi madaming kakain ng luto nya." pang aasar ni papa kay mama.
"Siyempre masaya ako kasi kumpleto silang mga anak ko at nadadagdagan pa." sabi naman ni mama.
"Ma naman, madalas naman kami kumpleto ah." sabi ni Seb.
"Oh kayo Migs at Seb, kelan daw kayo mag aasawa at magkakaanak. Nagpaparinig kaya si mama." sabi ni kuya Gab.
"Hindi kaya!" sabi ni mama sabay simangot.
"Oo kaya Ma. Sabi mo nadadagdagan pa." panggagatong ko naman.
"Kayo talagang mag aama! Ako na naman ang pinagtitripan nyo! Gutom lang yan kaya magsikain na kayo." inis na sabi ni mama.
"Love you Ma!" sabay sabay na sabi namin ng mga kapatid ko. Nagtawanan naman ang lahat.
"Siya nga pala Jenny baka gusto mo magcollege sa DT University. Ano bang kurso mo?" tanong ni papa.
"Sa DTU po? Naku pangarap ko pong pumasok dun kaso puro mayayaman po ang nandun. Baka hindi ko kayanin ang tuition fee sa school na yun. Nag apply na po akong scholar dun kaso nde pa po sakin sumasagot yung school." sagot ni Jenny.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...