Jordan's Pov
Ano bang pinagsasasabi nitong si Jenny. Naguguluhan ako. Bakit nya tinawag na Ton Ton si Andrei.
"Ano bang pinagsasabi mo? Siya si Andrei at hindi si Ton Ton." sabi ko.
"Sigurado akong siya si Ton Ton. Eh inaanak ko to eh. Kilalang kilala ko ang balat nya sa tyan. Yung balat na hugis mangga." sabi ni Jenny.
"So kumare mo si Alma." tanong ni Migs.
"Siya ba yung bata na anak mo daw kuya Joseph? Siya ba yung batang nakita ko. At yung babae eh si Alma? Hindi ko napagmasdan maige si Ton ton nuon. Magulo kasi isip ko dahil sa problema ko. Kaya naman pala pamilyar ang bata sakin." sabi ni Jenny.
"Oo siya nga." sagot ni Joseph.
"Teka, hindi si Alma ang nanay ni Ton Ton." sabi ni Jenny. Napakunot ang noo ko.
"Teka ang gulo mo Jenny. Hindi si Alma ang ina ng bata? Eh lumabas na sa DNA na kadugo namin si Andrei." nagtatakang sabi ni Seb.
"Kadugo nyo? Wait kilala nyo ba si Mico? Ano nga bang apelyido nun? Teka isipin ko muna." sabi ni Jenny.
"Santiago? Mico Santiago ba?" tanong ni kuya Gab.
"Tama! Siya nga. Walang bukang bibig si Kara nung nabubuhay pa siya. Iniwan siya ni Mico sa ere. Ni hindi ko nga nakilala yun eh." sabi pa ni Jenny.
"Matagal nang patay si Mico at ang pamilya nya. Kapatid ni mama ang mommy ni Mico. Naaksidente sila ng buong pamilya nya 5 years ago." sabi ni Joseph.
"OMG! Sorry. Hala namatay si Kara ng hindi nalalaman ang tunay na dahilan. Nag iintay siya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay." sabi pa ni Jenny.
"Teka, patay na ang ina ni Andrei? Oh eh di lumalabas na ulila na siya? Eh sino nag alaga sa kanya nung namatay ang nanay nya." tanong ko.
"Si Kara ay lumaki sa ampunan na kung saan ako nagdodonate ng mga gamit at pera. Si Kara ay naging kaibigan ko duon. Naninilbihan sila ng tita nya. Nung kinuha ko si Kara para magtrabaho sa akin sa restaurant ay lalo kaming naging malapit. Nakakilala siya ng lalaki at hindi sinabi sakin. In short naglihim siya sakin kasi nga bata pa ako nuon. Nalaman ko lang nung mabuntis siya. Gusto nya na daw magkapamilya at ipapakilala nya sa akin si Mico. Kaso nung nagpaalam ito sa kanya na may importanteng gagawin sa ibang bansa ay hindi na ito bumalik. Hanggang sa nanganak at nagkasakit si Kara pero walang Mico na dumating. Namatay si Kara dahil sa sakit at naiwan si Andrei sa tita ni Kara sa ampunan. Nung bumalik ako duon ay sinabi ng tita nya na may umampon na." kwento ni Jenny.
"Kawawa naman sila. Parehong namatay at hindi nagkita. Naaalala namin na ipapakilala sana ni Mico ang babaeng papakasalan nya nuon. Bumili na nga ito ng singsing eh." sabi ni Migs.
"Oo nga pauwi na sila ng magcrash ang eroplano na sinasakyan nila." sabi ni Seb.
"Kawawa nga. Kawawang Andrei." sabi ko.
"Hindi naman pala anak ni Alma si Andrei. Tingin mo ba Jenny legal ang pag aampon sa kanya?" tanong ni Joseph kay Jenny.
"Hindi ko alam kuya. Kasi ang alam ko hindi naman nakarehistro si Ton Ton sa ampunan dahil nandun pa tita ni Kara. Ewan ko. Hindi na ako nag ungkat kasi sinigawan ako ng tita ni Kara at isa pa bata pa ako nun." sabi ni Jenny.
"Pero kuya Joseph sa palagay mo paanong nalaman ni Alma na anak ni Mico si Andrei o Ton Ton? Imposibleng nagkataon lang ito dahil ginamit nya si Andrei para malinlang ka." sabi ni Migs.
"Papaimbestigahan ko yan kay Tony. Kung hindi legal ang pagpapaampon ay baka may chance na makuha natin si Andrei." sabi ni kuya Gab.
Nag usap usap pa silang magkakapatid tungkol sa mga plano nila. Naunang umuwi si Jenny dahil may kailangan daw siyang gawin. Umuwi na rin naman sina Migs at Seb. Samantalang si kuya Gab eh inasikaso ang mga kailangan namin ni Andrei. Kami na lang ni Joseph ang natira. Tinitigan kong maige si Andrei. Nahabag ako sa kalagayan nya. Sa murang edad eh naulila siya at pagkatapos napunta pa sa masamang tao.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...